^

PSN Opinyon

‘Political at credibility crisis sa administrasyon’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KALITUHAN at kaguluhan ang nangyayari ngayon sa administrasyon.

 Simula mismo sa pangulo hanggang sa kaniyang mga gabinete, kaalyado at hindi kapartido, kaniya-kaniyang ‘kiyaw-kiyaw’ sa isyu ng Mamasapano massacre.

 May mga kakulay na diretsahang nagsasabi ng pagkadismaya kay Pangulong Noy Aquino, mayroon namang tumatahimik lang at mayroon ding nagsasalita para ipagtanggol ang presidente. 

Tungkol ito doon sa pinaninindigan pa rin ni Pangulong Noy Aquino na wala siyang pananagutan sa madugong engkwentro sa Maguindanao.

 Na saan mang okasyon siya mapunta, iisa lang ang kaniyang tono at lengguwahe.

Pinakahuli na dito ang kaniyang panenermon sa prayer gathering noong Lunes kung saan marami ang nagagalit.

 Si dating Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) Commander Gen. Getulio Napeñas daw ang may kasalanan sa  operasyon at ang ‘KKK’ niyang si dating PNP Chief Alan Purisima, absuwelto.

 Masakit mang sabihin pero ang mga mga piling religious leader na inimbitahan ng pangulo sa Malakanyang, nagmukhang engot.

 Pati tuloy si dating Pangulong Fidel Ramos nagtatanong kung sino ang mga adviser na bumubulong kay PNoy. Hinahayaan nilang magsalita ang presidente anumang gusto niyang sabihin kahit hindi na akma sa okasyon.

 Hindi naman raw sukat-akalain ni Senate President Franklin Drilon na malalagay si PNoy sa krisis dahil sa nangyari sa Mamasapano. Political at credibility crisis ang tinutukoy ng senador na kaalyado rin ng administrasyon.

 Kaya lang naman ngayon nagsasalita ang mga mga ‘chuwari-wariwap’ na nakapalibot sa presidente dahil alam nilang maaapektuhan ang kanilang partido lalo na’t malapit na ang eleksyon. 

Sa bawat buka ng bibig at hakbang ng mga nagsasalita sa balita, kayo na ang bahalang mag-analisa at bumalanse.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

CHIEF ALAN PURISIMA

COMMANDER GEN

GETULIO NAPE

MAMASAPANO

PANGULONG FIDEL RAMOS

PANGULONG NOY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with