Katarungan

NOONG Huwebes ginunita ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang ika-40 days na kamatayan ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Puno ng kalungkutan ang nadarama ng mga naulila ng 44 SAF dahil hanggang ngayon hindi pa naipapataw ang katarungan sa kanilang mga “bread winner” na minasaker ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front  (MILF) noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao. Ang tinutukoy nila rito ay kung ano ang magiging pananagutan ng dating supendidong PNP chief Alan Purisima dahil nagbitiw na ito sa kanyang puwesto ngunit hindi sa pagiging miyembro ng PNP.

Sa hanay naman ng PNP at AFP ay nagkaroon ng kaunting tampuhan sa pagtuturuan at palusutan sa res­ponsibilidad nang gisahin ng Senado at House of the Representatives nang gumiling ang teleserye ng Mamasapano encounter. Subalit kahit na nagkaroon ng lamat ang PNP at AFP buo pa rin ang paniniwala ng sambayanan na magkatuwang pa rin sila sa pagbibigay ng seguridad ng bansa. Bilang patunay mga suki, walang humpay ang pag-atake ng mga sundalo at pulis sa Maguindanao sa paghahanap kay Basit Usman at mga kasamang rebelde ng BIFF. Ngunit sa kabila pala ng kaguluhan diyan sa Mindanao walang humpay naman ang pamilya Binay sa pagbibigay ng ayudang financial, housing at educational support sa mga inulila ng 44 SAF.

Sa pamamagitan ng pagkaloob ng P100K financial aid sa ‘Forgotten SAF men’. Ang19 na miyembro ng 84th Seaborne Company ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police ay  bahagi rin ng Mamasapano operation noong Enero 25. Ayon kay Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay, hindi rin dapat makalimutan ang katapangan at kabayanihan ng mga naturang SAF members. “They should not become the Forgotten 19”. Mismong si Binay ang nagkaloob sa naturang 19 SAF personnel, na hindi na pinangalanan ayon na rin sa kanilang kahilingan. Tig-P100,000 na tseke ang inabot ni Mayor Binay sa 19 SAF sa simpleng seremonya sa Makati City Hall. 

Naniniwala si Binay na karapat-dapat ding tumanggap ng pasasalamat at pagkilala ang naturang miyembro ng SAF 84th Seaborne Company dahil inilagay rin nila ang kanilang buhay sa panganib upang madakip lamang sina Marwan at Basit Usman na mga high profilled international terrorist na nagtatago sa Mamasapano  at makapagligtas ng buhay ng mga inosenteng tao. “This is the least we can do to show our appreciation of their dedication to their duty,” dagdag pa ni Binay. Una nang binigyan ng tribute ng city government, kasama si Vice President Jejomar Binay at asawa nitong si Dr. Elenita Binay, at anak na si Senator Nancy Binay, ang 44 SAF members na namatay sa Mamasapano encounter, gayundin ng tig-P100,000 tseke ang kanilang mga naiwang kaanak at iba pang uri ng assistance tulad ng scholarship sa University of Makati, medical services at housing benefits. Binisita rin ng mga Binay at binigyan ng tig-P100,000 tseke ang 15 sugatang SAF members na nakaligtas sa madugong operasyon.

Show comments