^

PSN Opinyon

‘Akin ka!’ (Pagsukat sa utak ni Mark Soque)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA ipinalabas na episode ng BITAG noong Sabado, marahil marami ang nakapanood sa telebisyon at sa bitagtheoriginal.com o nakapakinig sa BITAG Live.  

 Ito ‘yung eksklusibong pagdodokumento ng aming grupo sa kilabot na si Mark Soque, ang serial molester, serial rapist at holdaper, apat na araw bago siya napatay.

 Pinaniniwalaan ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD–CIDU) siya ang nasa likod ng serye ng mga pangmomolestiya at panghahalay sa Quezon City nitong nagdaang dalawang buwan.

 Sa episode na ito, sinukat ng BITAG kung papaano mag-isip si Soque. Ipinakita kung papaano niya isinasagawa ang krimen sa sariling estilo at pamamaraan.

 Bago loobin, pinag-aaralan niya muna ang titirahing establishemento. Ang kaniyang pinipili, maliliit na tindahan na madaling kubkubin. Estilo niyang magpanggap na kustomer.

 Pinamagatan naming “Akin ka!” ang nasabing episode kung saan ito rin ang iniiwan niyang tatak sa bawat babaeng biktima.

 Layunin ng putok sa buho na mag-iwan ng matinding takot. Wala siyang pinipiling edad. Tropeyo kung ituring niya ang kaniyang mga nagahasa at namolestiya.

 Na habang pilit pinapapasok sa mga comfort room ang mga nagmamakaawang target, hinihipuan, hinuhubaran at iginagapos na parang baboy, lalo naman siyang nasisiyahan at nasasarapan.

 Ayon sa Psychiatrist/Psychologist na si Dr. Randy Dellosa, posibleng nakaranas rin ng pangmo-molestiya noong bata pa ang suspek.

 Kaya nga natatawa ang BITAG doon sa ipinalabas ng isang malaking network sa kapareha ring istorya. Sa kanilang dokumentasyon, holdaper ang suspek.

 Kung papaano pinag-aralan at nahulog sa BITAG ng QCPD-CIDU si Soque, panoorin sa bitagtheoriginal.com clickBITAG NEW GENERATION.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AYON

BITAG

DR. RANDY DELLOSA

ESTILO

MARK SOQUE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SOQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with