^

PSN Opinyon

‘Tigib ng saya’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ISANG BUS ng Hongkong Nationals ang bihag ng isang Pilipino, nagkakagulo ang mga otoridad at pamahalaan. Ito ang pinapanood niya sa telebisyon ng bigla sumigaw ang asawa.

“Taong 2010 yun, alalang-alala ko pa. Hindi kami mapakali at napasugod kaagad sa ospital,” pahayag ni Karl.

Anim na taon nang nagsasama sina Julie at Karl Villasana sa Carmona Estates ngunit noong nakaraang taon lamang sila nagpakasal.

Marami ang naging dahilan kung bakit hindi sila nakapagpakasal kaagad. Isa na rito ang pagpepetisyon ng ina ni Julie sa kanya papuntang Amerika.

“Sabi ni Mama huwag muna akong magpakasal baka dumating yung mga papel ko. Nakapetisyon kasi ako bilang dalaga,” wika ni Julie.

Taong 2005 nang magkakilala ang dalawa. Sinama noon si Julie ng pinsan ni Karl sa Palawan. Ang mga magulang ni Karl ang talagang kilala ni Julie. Doon din siya tumutuloy kapag nagbabakasyon sa lugar.

“Nagsimula kaming maging magka-text. Pagdating ng 2008 nanligaw na siya sa ‘kin. Sandali lang ang ligawan dahil nasa edad na kami,” kwento ni Julie.

“Biglaan lang ang nangyari. Nung panahon na magkita kami sa Maynila tuluy-tuloy na,” ayon kay Karl.

Ang nagustuhan daw ni Julie kay Karl ay kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Jehova’s Witness sila at ginagabayan sila ng congregation kung paano magpalaki ng anak.

Pagkaraan ng panahon ay inisip na ng dalawa na ang isa’t-isa na ang gusto nilang makasama habambuhay. Nagsama na sila sa iisang bahay. Nung simula nagrenta sila sa Proj. 4. Nagtatrabaho noon bilang ‘Project Supervisor’ sa isang kilalang produkto si Julie.

Taong 2009 nang kunin ng ina ni Julie ang bahay sa Carmona Estates na ginawa ng kilalang developer na Property Company of Friends Inc. (Pro-friends) sa Cavite.

Sa parehong taong ito rin ipinanganak ang kanilang panganay nung kasagsagan ng Manila Grand Stand hostage taking.

“Ang mama kong nasa Amerika ang nagbayad ng bahay dahil siya ang may kakayahan. Alam niyang mag-aasawa na ako kaya sinabi niyang kami na ang tumira. Hindi mo pa masasabing bigay na sa amin ito dahil hindi pa naman naililipat sa pangalan namin,” pahayag ni Julie.

Nang lumipat na sila doon ay nagbitiw na si Julie sa kanyang trabaho dahil malayo na.

“Pagdating namin dito, tatlo pa lang yung may tao sa lugar,” sabi ni Karl.

Mas pinili naman ni Julie na lumipat ng Carmona sapagkat wala masyadong traffic. Hindi daw praktikal na nakatira ka sa Carmona tapos magtatrabaho ka sa Maynila.

Nung una daw nila itong nakita ay nagustuhan na nila dahil tahimik ang lugar hindi tulad ng Maynila na maingay at mapolusyon.

Maliban sa maayos na tahanan natuto din si Karl sa Carmona na mas pagbutihin ang kanyang kakayanan bilang kontraktor. Malayo man ang kanyang propesyon sa pagkokonstraksiyon ay ito naman ang nakahiligan na niya.

Dahil ang Pilipinas ay madalas bisitahin ng bagyo kaya’t hindi malilimutan ng mag-asawa ang kanilang karanasan noong nanalasa ang Ondoy. Karamihan sa ating mga kababayan ang nawalan ng tahanan, kagamitan at mga mahal sa buhay.

“Wala kami nung panahong yun sa bahay. Ang hipag ng mister ko ang nakatira sa ‘min. Nag-aalala kami ngunit naikwento sa amin na nasa maayos silang kalagayan. Naglalaro pa nga daw sila nung panahong yun,” salaysay ni Julie.

Sa buhay mag-asawa hindi sila nakaiwas sa mga pagsubok. Isa na nga dito ay ang pagkakapetisyon ni Julie sa Amerika.

Kaya napagpasyahan nilang magpakasal noong ika-24 ng Pebrero 2014.

“Walang formula sa matibay na pagsasama. Ang sabi kasi ng iba ang sikreto ng matagumpay na relasyon ay ang pagsasama ng dalawang taong marunong magpatawad,” sabi ni Julie.

Dagdag pa ni Karl, “Maganda yung marunong ka magpasensiya. Yung tiwala mo sa Diyos nandoon lang.”

Sa kasalukuyan may dalawa nang anak sina Julie at Karl. Iminumulat nila ang mga ito sa pamamagitan ng paggabay sa kanila ng congregation. Hindi nila pinipilit sa mga bata kung ano ang gagawin kundi ipinapakita lamang nila ang ilang halimbawa.

“Educating by example,” pahayag ni Karl.

“Napapalaki namin silang kontento sila. Hindi naiinggit. Kung ano lang mayroon yung lang yun. Hindi sila naghahanap ng hindi namin kaya,” wika ni Julie.

Nung kanilang anibersaryo muli nilang binuhay ang kanilang pangarap para sa kanilang pamilya.

“Palakihin natin ng maayos yung mga bata kahit simple lang. Ipagpatuloy mo yung pagiging aktibo sa congregation pati sa ministry kasi yun yung gagabay sa ‘yo kung paano mo kami aalagaan. At ang susi ng tunay na kaligayahan ay kapag pinupunuan ang iyong pangangailangan at binabawasan ang inyong mga luho,” sabi ni Julie.

Ugaliing makinig ng programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

AMERIKA

CARMONA

JULIE

KARL

NUNG

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with