^

PSN Opinyon

Sino ang mapalad?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

GINISA kahapon ng mga senador ang mga opisyales ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine kung sino ang nag-utos sa pagsalakay sa pinagtataguan ni Zulkifli Bin Hir, alias “Marwan” sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Siyempre kanya-kanya silang palusot upang makaiwas sa sinapit ng 44 SAF. Ang ilan sa mga opisyales na ginisa ay binul­yawan ng senador dahil hilong talilong  sa pasa-pasang katanungan.

Hindi kumbinsido ang aking mga kausap sa Manila Police District headquarters dahil ang partisipasyon umano ni suspended PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang nais nilang maarok, dahil ito ang puno’t dulo na magtutuldok sa pagsisikip ng dibdib ng mga naulila ng 44 na pulis. Matagal na umano itong nangyayari sa mga pulis na palaging huli ang “coordination” sa tuwing magsi-serve ng warrant sa wanted persons dahil umiiwas sila na masunog ang operasyon.

Pumutok lamang ang isyung ito sa senado dahil nalagas ang PNP-SAF matapos na pagtulungang bistayin ng bala ng BIFF at MILF. Ngunit sa tingin ng aking mga kausap, dapat lamang na well coordinated itong operasyon dahil high profiled criminal si Marwan. Kasi kung malinaw ang coordination bago isinagawa ang operasyon kay Marwan tiyak na nasaklolohan sila ng militar.

Dahil sa kapos ako sa oras sa pakikinig sa Senate hearing ng Mamasapano clash, pagtuunan muna natin ang isyu hinggil sa mga kandidatong papalit kay PNP Chief Purisima na napupusuan ni President Aquino. Sa listahan na ipinarating sa akin, nakapila ang mga pangalan nina Officer-in-Charge DDG Leonardo Espina, DDG Marcelo Garbo Jr., Dir. Carmelo Valmoria, Dir. Ricardo Marquez, Dir. Benjamin Magalong, Dir. Danny Constantino at Dir. Juanito Vano. Sino kaya ang mapalad na hihirangin ni P-Noy? Sila na kaya ang kasagutan upang maibangon muli ang mabahong imahe ng PNP? Sa ngayon kasi mukhang “okey “ na sa kanila si Espina dahil taglay nito ang tapang at katapatan sa serbisyo, subalit magreretiro na siya sa Hulyo at kilala ito na sanggang dikit ni DILG secretary Mar Roxas.

Ngunit sabi ng aking mga kausap may mas matimbang pa kay P-Noy na umuugong na ipapapalit kay Purisima, ito’y walang iba kundi si suspended CSupt. Raul Petrasanta. Ang balakid lamang umano kay Petrasanta ay itong sixth month preventive suspension ng Ombudsman sa pagkakasangkot nito sa pagkawala ng 1,004 unit ng AK-47 assult riffle na naibenta sa New Peoples Army. Ito ang tinitingala ng aking mga kausap kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa nagtatalaga ng permanenteng PNP chief si P-Noy. Mukhang inaantay pa na matapos itong suspension ni Petrasanta bago magdisisyon si P-Noy sa PNP. Iyan ang aking tututukan mga suki! Abangan!

ALAN PURISIMA

BENJAMIN MAGALONG

CARMELO VALMORIA

CHIEF PURISIMA

DAHIL

DANNY CONSTANTINO

MARWAN

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with