^

PSN Opinyon

‘Ride at your own risk’ sa MRT

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WALA talagang garantiya at katiyakan na ligtas ang pagsa-kay sa mga tren ng Metro Rail Transit (MRT). Mismong ang general manager na si Roman Buenafe na ang nagsabi, marami pang susunod na aksidente. Alam niya mayroon pang mga “technical problem” na susunod. Hindi lang matiyak kung kailan, basta marami pang aasahang aberya.

‘Ride at your own risk’ ang ibig sabihin ng opisyal. Kung masaktan at masugatan ang pasahero, kasalanan daw nila ito dahil hindi sila sumunod sa instruction.

Tulad ng nangyari noong Martes sa dalawang magkahiwalay na istasyon ng MRT. Tatlo sa mga pobreng manana­kay, nasugatan habang marami ang nasaktan. Lumagapak sa biglaang pagtigil ng tren dahil sa kalumaan. Kaya ang rekomendasyon ni Buenafe, kumapit ng mahigpit sa mga nakasabit na handrail strap. Dahil kung hindi, ikaw na MRT rider ang may kasalanan.

Ang problema, hindi rin sapat ang bilang ng handrail straps sa mga nagsisiksikang parang mga sardinas sa pupugak-pugak na mga bagon. Bukod sa luma na, maraming beses na rin itong tumirik. Ang sinasabing kapalit at karagdagang coaches, hanggang ngayon pangako pa rin. Pero, kapag nagka-aberya, ang sisi hindi doon sa mga kagamitan kundi doon sa mga pasaherong hindi sumusunod sa instruction.

Ganito ang prinsipyo ng mga iniupo sa pwestong nagsasalita ng hindi nalalaman ang totoong sitwasyon at mga nangyayari. Walang paninindigan. Hindi man lang makitaan ng konsern at hindi marunong umako ng responsibilidad at pananagutan sa departamentong kanilang pinamumunuan. Parang ‘yung isa ring kilalang mataas na lider na laging itinuturo sa iba ang sisi.

Tulad ng sinabi ko sa BITAG Live, hindi maiiwasan ang mga aksidente. Subalit, kapag malimit na ang aberya, kung MRT ang pag-uusapan, may problema na ang teknolohiya. Kung ang tao at mga tren naman ang laging nagkaka-problema, ibig sabihin, pabaya ang pamunuan. Kung pabaya ang pamunuan, may problema sa mga ‘lider’ sa pamahalaan.

Lahat ng mga ito, sumasalamin lamang sa kung anong uring pamumuno mayroon tayo sa bansa.

Hindi ito pang-uupak sa kaninuman o sa pamahalaan. Bagkus, matalinong pag-aanalisa sa mga kaganapan, mga sinasabi ng mga naggagaling-galingan at sa paraan ng pagsagot at pagdadahilan ng mga nakaupo sa pamahalaan.

Bato-bato sa langit, ang tatamaan, ‘wag mabukulan!

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

ABANGAN

ALAM

BAGKUS

KUNG

METRO RAIL TRANSIT

ROMAN BUENAFE

TULAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with