^

PSN Opinyon

Miriam pinayuhan si P-Noy: Kasalanan sa masaker akuin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MINASAKER ng Moro Islamic Liberation Front ang 44 na commandos sa Mamasapano. Ito’y bagamat ka-ceasefire sila ng gobyerno. Tanong: Bakit nakiki-peace talks ang gobyerno sa mga kumakanlong ng terror bomber?

Ani Sen. Miriam Santiago maysala rin ang tatlong opisyales sa kinauwiang masaker ng pagdakip kay Malaysian terrorist Marwan sa Mamasapano. Una si commando general Getulio Napeñas, na nilihim ang operation kina PNP acting chief Leonardo Espina, Interior Sec. Mar Roxas, at militar, at palpak pa ang plano. Ikalawa si kare-resign na PNP chief Alan Purisima, na suspendido pero nanghimasok sa operation ni Napeñas, at nag-utos ng paglilihim. Ikatlo si President Noynoy Aquino, na pinahintulutan ang pakikialam ni Purisima, palibhasa’y “kabarilan.”

Gan’un din ang sabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duter­te, na kamay na bakal ang pamamahala. Aniya, kung merong utos sa mga tauhan na sumablay, dapat akuin ito ng lider. Inehemplo ni Duterte ang utos sa pulisya na pagdakip sa isang kidnapping suspect, na nauwi sa pagpatay dito nu’ng nakaraang taon. Inako niya lahat ng sala.

Dagdag ni Santiago, lalong napapasama si P-Noy dahil sa pagtatakip sa kanya ng mga tauhan niya. Pinalalabas nina Interior Sec. Mar Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin, at AFP chief Gen. Gregorio Catapang na huli na nang maipaalam kay P-Noy ang bakbakan, kaya wala nang saysay magpadala ng reinforcements. ‘Yun pala umaga pa lang ay alam na ni P-Noy ang nangyayari, kaya nga lang mabagal at malamya ang mga ikinilos.

Bukod du’n, ani Santiago, sina P-Noy, Purisima, at Napeñas lang ang nakaaalam ng operation, Si P-Noy ang nag-apruba bilang Commander-in-Chief, at pumayag din sa panghihimasok ni Purisima bilang kabarilan. Kaya, hayan, 44 na buhay ang nabuwis.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ALAN PURISIMA

ANI SEN

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTER

DEFENSE SEC

INTERIOR SEC

MAR ROXAS

P-NOY

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with