^

PSN Opinyon

‘Ibig ko, gumaling ka!’

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

KAWAWA ang mga may ketong sa panahon nina Moises at Aaron. Ang turing sa kanila ng mga saserdote ay marumi. Sa labas ng mga kampamento sila namumuhay. Mayroon silang kuwintas na lubid na may maliit na kampana at tumutunog sa kanilang paglalakad. Ayon sa batas, lalayo sila sa karamihan ng 10 metro at doon inilalagay ng mga tao ang kanilang tulong na pagkain.

Nahabag si Hesus sa lalaking ketongin na lumapit sa Kanya at nagmakaawa. “Kung ibig Mo po, mapagagaling Mo ako.” Hinipo ni Hesus ang ketongin at sinabi rito, “Ibig ko, gumaling ka.”

Gumaling ang ketongin.

Mahalaga ang pagsamo sa Panginoon upang mapa-galing tayo sa ating mga karamdamam tulad ng may ketong. Ang pagsamo ang pinakadalisay na panalangin. Ang pagsamo ay binubuo ng paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan.

Nagsusumamo ako at patawarin, ito ang palagi kong sinasabi sa Panginoon sa aking panalangin. May plano Siya para sa ating lahat.  Ito’y ating pagsikapang matamo, sapagka’t ito ang ating kailangan. Isangguni natin sa Kanya at humingi tayo tuwina ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Umasa tayo sa Kanyang walang hanggang awa upang patawarin tayo at pagalingin ang ating mga karamdaman. Tularan natin ang ketongin.

Tuwing magpapagaling si Hesus ay sinasabi Niya: “Pinatatawad na ang iyong kasalanan.” Kaya sa tuwing tayo ay may karamdaman ang una nating sabihin sa Pangi­noon ay patawarin tayo sa ating kasalanan, sapagka’t kadalasan ang ating karamdamang pangkatawan ay nagsisimula sa ating karamdamang espiritwal o kasalanan.

Ito ang huling linggo sa unang bahagi ng Karaniwang Panahon. Sa Miyerkules (Pebrero 18) ay simula ng Pana­hon ng Kuwaresma. Ash Wednesday. Ito ang simula ng Alay Kapwa at Araw ng Ayuno at Abstinensiya.

Levitico 13:1-2, 44-46; 1Cor. 10:31-11 at Marcos 1:40-45

ALAY KAPWA

ASH WEDNESDAY

ATING

HESUS

KANYA

KARANIWANG PANAHON

PANGINOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with