Sr. Supt. puedeng PNP chief

KAHIT PNP Sr. Supt. ng Philippine National Police ay puedeng italaga ni P. Noy para humalili at maging pinuno ng PNP basta ang importante ang ‘trust and confidence’ ng pangulo sa position ibibigay nito sa Camp Crame para pamumuan ang kapulisan sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming nagtatanong lalo na ang mga dismayado sa mga ‘trusted men’ ni P. Noy kung sinong police officer ang bibigyan niya ng basbas para mamuno sa PNP.

May mga nagtatanong kung ang bata kaya ni SILG Mar Roxas o ang trusted man ni P. Noy ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos bumitaw o mag-resign si CPNP Alan Purisima sa kanyang puesto dyan sa Crame ay naglabasan na ang mga ‘intrigahan at tsimisan’ kung sino ang papalit sa dito.

‘May nagsasabing ang number 2 man kaya ni Purisima na si Deputy Director General Dindo Espina, ang deputy chief ng PNP for Operations at kasalukuyang officer in charge  ng kapulisan ang isa sa nakikitang problema todits ay sa Hulio na siya magreretiro sa PNP.’ sabi ng kuwagong agaw armas este mali puesto pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puede rin daw ang pulis na malapit sa puso ni Roxas si Deputy Director General Marcelo Garbo, chief for directorial staff of the PNP, number 3 sa organization. Pumutok ang pangalan nito ng siya ang commander ng kapulisan sa Central Visayas. Inutusan siyang pumapel para umalis sa provincial capitol si da­ting Cebu Governor Gwen Carcia may ilang taon na rin ang nakakaraan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabango rin ang pangalan ni Police Director Ricardo Marquez, PNP director for operations.

Ang pangalan ni Chief Supt. Raul Petrasanta, dating pinuno ng Firearms and Explosives Office sa Crame at dati ring Region 3 commander at sinasabing malapit naman sa pamilya ni P. Noy dahil dati siyang security detail sa mga Aquino.
“May problema nga lang kay Petransata, isa ito sa mga suspended sa PNP courier service anomaly at ang pagkawala ng libong piraso ng mga AK-47 sa PNP.’ sabi ng kuwagong sinisiraan.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat mag­retiro na si Purisima sa kanyang tungkulin bilang police para bigyan pagkakataon na maging 4 star general ang papalit sa kanya pero kung aantayin pa ni Puring sa Nobyembre pa siya magreretiro sa kanyang kaarawan hindi makakaporma ang papalit sa kanya sa ngayon na makapagsuot ng apat na estrella sa balikat.

Abangan.


* * *

11th Public Installation ng Bernardo Carpio Lodge 359

MAY imbitasyon ang mga opisyal at miembro ng Bernardo Carpio Masonic Lodge 359 sa lahat ng mga kasapi ng kanilang organisasyon, mga kaibigan, pamilya at maging mga kaaway sa 11 public installation nila sa Pebrero 20 sa ganap na 2pm dyan sa Daza Park Pavillion, Camp General Emilio Aquinaldo, Quezon City.

Ang mga bagong hangal este mali halal pala na opisyal ng Loyang pinaguusapan natin sa itaas at appointed officers ay sina Bro. Alo Aquino, Worshipful Master, Bro. Anwar Cheng, Senior Warden, Bro. Randall Tabayoyong, Junior Warden, Bro. Ricardo Umali, Secretary, Bro. Christopher George Borja, Treasurer, WB Isidro Martinez (GLI), Auditor, Bro. Robin Venturina, Chaplain, Bro. Dino Flores, Marshall, Bro. Gerald Villapndo, Senior Deacon, Bro. Engracia Custodio, Junior Deacon, Bro. Paolo Romero, Senior Steward, Bro. Armando Magabe Jr., Junior Steward, Bro. Steven Onia, Lecturer, VW Nicolas Manipon, Orator, Bro. Wilbert Go, Almoner, Bro. Argel Cabatbat, Historian, Bro. Deo Valeroso, Organist, WB Leo Caranto, Harmony Officer at Bro. Romeo Manalaysay, Tyler.

Si VW Lt. Gen. Virgilio O. Domingo, AFP, Grand Stand Bearer GLP. deputy chief of staff AFP ang Guest of Honor and Speaker.

Ipinaaalala ni Bro. Alo, na magsisisi ang hindi pupunta sa installation lalo na sa fellowship ng Bernardo Carpio Lodge No. 259 dahil si Bro. Paolo Romero ay darating na .  Hehehehe!

Abangan. 


* * *

MMDA Francis ‘gimikero’ Tolentino

NATATAWA ang madlang public sa Metro - Manila dahil sa bagong gimik na naman ni Tolentino dahil bisikleta na naman ang gusto nitong bigyan ng pansin dyan sa Manila.

Ano ba ito si for Senator Tolentino?

‘Bakit hindi asikasuhin ng husto ni Tolentino ang malalang traffic dyan sa EDSA going North and South everyday para kahit papaano ay matuwa naman ang mga dumaraan dito?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati mga dambuhalang bus na hindi provincial buses ay pinadadaan ng kanyang mga Boy Scout este mali constable pala sa tunnel lane sa EDSA bakit ito pinapayagan.

“Ano na ang silbi ng ‘yellow lane’ sa mga bus ?’ tanong ng kuwagong naghihimutok.

‘Sayang lang ang pondo ng gobierno sa ginamit na pera para ipambili ng yellow paint todits.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi kaya ni Tolentino ang traffic sa EDSA mag-resign na siya sa tungkulin at ibigay na lamang niya sa mas makakaresolba ng problema sa trapiko.

Ika nga, hindi iyon puro gimik? Hehehehe!

Abangan.

Show comments