^

PSN Opinyon

Naglipana ang mga ‘eksperto’ sa Mindanao

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

NANG pumutok ang nangyari sa Mamasapano, Maguin­da­nao noong Enero 25, kung saan 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (SAF) ang napatay, naglabasan na naman ang mga ‘eksperto’ kuno sa Mindanao.

Nakabibingi ang naglabasang kuru-kuro lalo na sa mga nananawagan ng ‘all-out-war’ sa Mindanao pagkatapos ngang nalagasan ng 44 na tauhan ang elite PNP team ng SAF.

May nagsasabing i-suspend ang public hearing at pro­seso  ng Kongreso sa proposed Bangsamoro Basic Law. May sumasangguning dapat nang iabandona ang peace process. May nag-uudyok na dapat pulbusin na lahat ng MILF at kung anu-ano pang mga agresibong mungkahi.

Marami rin sa ating mga otoridad ay magkasa­lungat  ang sinasabi ukol sa sitwasyon sa Mindanao.

Ang mahirap kasi karamihan sa mga nagsasalita ay hindi naman mga taga-Mindanao. Putak nang putak at hindi naman tagarito sa amin sa katimugan.

Karamihan sa mga sinasabing ‘eksperto’ ay hindi pa nga nakakayapak dito sa Mindanao

Kung hindi n’yo pa naranasan kung paano  mamuhay dito sa Mindanao sana naman huwag kayong mang-uudyok nang marahas na pamamaraan sa pagresolba sa problema sa Mindanao.

Totoong ang lahat ng ito ay naaayon sa demokrasyang umiiral sa ating bansa ngunit dapat ang demokrasyang ito ay dapat magkaroon din ng responsibilidad nang sa gayon ay mas lumalim ang pagkakaintindi sa Mindanao.

BANGSAMORO BASIC LAW

ENERO

KARAMIHAN

KONGRESO

MAGUIN

MAMASAPANO

MINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with