^

PSN Opinyon

Bago humusga …

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ISANG kritikal na elemento upang makatulong sa pag-unawa ng trahedya ng Mamasapano ay ang kumpletong impormasyon. Hindi lamang sa nangyaring “mis-encounter” o massacre? – na ang impormasyon ay makukuha sa pamamagitan ng masusi at imparsyal na imbestigasyon – kung hindi pati na rin sa mismong peace process na, hanggang nangyari ang trahedya, ay parang pahapyaw lang sa kaalaman ng mayorya.

Kailangan nating malaman ang buong katotohanan dahil tayo bilang bansa ang magpapasya sa kung tayo’y aabante o aatras mula sa puntong ito. Nariyan siyempre ang ating panguluhan na may sarili ring papel na ginampanan. At bagamat nakapagsalita na ito – na higit na nakararami’y nadismaya sa tangkang paghugas kamay – sa huli ay tayo rin ang tatanungin kung suportado ba natin ang mga desisyon o kawalan ng aksyon ng ating mga opisyal.

Naiipit ngayon ang Malacañang sa pagitan ng mga naghahangad ng paghihiganti at sa mga hindi nawawalan ng pag-asa sa mailap na kapayapaan sa Mindanao. Binibisita nang muli ng marami ang posisyon noon ni Manila Mayor President Erap ng all out war laban sa MILF. Sabi ng mga nakakaalam, hindi kinakatawan ng MILF ang karamihan na nakikipaglaban. Doon naman sa ayaw na ng giyera, pakiusap nila’y huwag hayaang masilat ng nangyari ang lahat ng pinaghirapan para lang makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Kung responsable ang Presidente ay hihintayin niya ang resulta ng imbestigasyon bago kumilos. At para rin maiwasan ang hinala, kinakailangang baguhin ang komposisyon ng investigation panel upang maisama ang mga sektor na hindi kasangkot sa nangyari. Kung responsable ta­yong mamamayan, susubukan natin mabasa, marinig at mapanood lahat ng ulat at, higit dito, pipilitin nating intin­dihin ang kabuuhang peace process at lahat ng inabot na ng mag­kabilang panig bago tayo humusga.

Ang nangyari sa Mamasapano ay pinakamalaki nang pagsubok na haharapin natin bilang lipunan sa ilalim ng administrasyon ng Presidenteng ito.

Hahamunin nito ang ating maturidad at ang ating determinasyon na makamit ang pangma­tagalang kapayapaan sa isang rehiyong ilang dekada nang pinag­ka­itan nito.

BINIBISITA

HAHAMUNIN

KAILANGAN

MALACA

MAMASAPANO

MANILA MAYOR PRESIDENT ERAP

MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with