‘Isang buhat lang!’
MAKIBAGAY KA AT MAKISAMA kahit gaano kahirap ang ugali ng iyong kasama, siguradong aangat ka sa iyong kinalalagyan at madali na ang tagumpay.
“May mga tao na ang hinihingi yung imposible, may nakakainis at meron namang talagang mahirap pasayahin,” wika ni Louella.
Marami sa atin ang umaalis sa trabaho hindi dahil nahihirapan sila sa pagtatrabaho kundi dahil may hindi sila nakakasundong tao.
Ang susi dito ay ang pagiging matiyaga, intindihin kung may problem aba ito sa buhay, pakisamahan at tignan paano matutulungan at pakitaan ng kabutihan.
Ito ang dahilan kung bakit tumagal ng sampung taon si Louella Ann S. Ortizo, Village Supervisor, Community Relations and Development Department ng Property Company of Friends (Pro-friends).
Ang Pro-friends na isa sa kilalang ‘developer’ ng magaganda at maayos na subdibisyon sa Cavite ay nagsusulong sa kanilang layunin na mabago ang buhay ng kapwa Pilipino. Nag-aalok din sila ng mga bahay na abot-kaya ng ordinaryong mamamayan.
Madalas marinig ang mga kwento ng pagtulong ng Pro-friends sa kanilang mga mamimili at kung paano nila nababago ang buhay ng mga ito.
Nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa Pro-friends si Louella.
Nitong nakaraang Disyembre ay nagkaroon ng awarding ang Pro-friends sa mga empleyadong may sampung taon na sa pagseserbisyo at isa si Louella sa nabigyan ng parangal.
Isa ito sa karanasang hindi niya malilimutan sa pamamalagi sa Pro-friends sapagkat nabibigyan ng halaga ang kanyang pagsisikap, paghihirap na mapabuti ang kanyang trabaho. Higit pa ang kasiyahang dulot nito kaysa sa sweldong kanyang kinikita. Ang pagpapahalaga sa mga pagsisikap niya sa kumpanya.
“Ang pinakagawain ko bilang Village Supervisor ay pangalagaan ang aming mga homeowners. Dapat maibigay namin sa kanila ang lahat ng gusto at kailangan ng bawat isa,” ayon kay Louella.
Pagsiguro sa katahimikan at kaayusan ng village ay ilan lang din sa kanilang tungkulin. Mahirap kung iisipin ang kanyang gawain ngunit ang nasisiyahan siyang makahalubilo ang naninirahan sa village. Iba’t-iba ang mga ugali ng ga ito at natuto siya sa bawat ugali ng isa’t-isa.
Naniniwala siya na kung sino ang homeowner na nakakainis, mahirap palubagin ang loob, kapag nasiyahan sila sa serbisyo mo madali mo na itong makakasundo at maging kaibigan pa.
Nagsimula sa head office sa ‘credit and collection’ hanggang sa naging Village Supervisor. Naging kahera siya, Client Relations Assistant, Village Administrator, Community Up-building Supervisor bago naging Village Supervisor.
“Hindi pa ganito kalaki ang Pro-friends noon at unti-unti kong nakita ang biglang pag-angat nito,” salaysay ni Louella.
Maganda din ang hangarin ng kompanya para sa komunidad na itinatayo nila at ito ang nakikita niyang dahilan para gumanda at lumaki pa ang Pro-friends.
Isa din siya sa mga empleyado na bumili ng bahay sa Pro-friends. Nakuha niya ito mula sa pamamagitan ng mga benepisyo bilang empleyado sa Primarosa. Yun ang unang proyekto ng Pro-friends.
Simula pa lang daw ay sinasabihan na siya na kahit wala pa siyang asawa dapat ay magkaroon na siya ng bahay ngunit hindi siya nakinig.
“Nung may asawa na ako wala pa akong bahay. Dun ko napag-isip isip ng mga dapat kong gawin. Sumulat ako ng letter of intent at ipinasa ko inaprubahan naman kaagad,” ayon kay Louella.
Malaking bagay daw para sa kanya at sa pamilyang pagkakabili ng bahay. May discount din siya dito.
“Malaki ang naging kontribusyon ng Pro-friends sa buhay ko at sa pamilya ko. Dati wala akong sariling bahay ngayon pati sasakyan meron na ako,” kwento ni Louella.
Mensahe niya sa mga kabataan na bago pa lamang sa kanilang kompanya makinig sila sa mas nakakatanda upang mas matuto pa sila. Nagpapasalamat naman siya sa mga namumuno ng Pro-friends sa pagsuporta sa kanya sa loob ng sampung taon.
Ang isang ‘sales person’ sa Iloilo na si Krystalle Alleen Biton na isang Division Manager na tatlong taon nang nagtatrabaho sa Pro-friends.
“Naging volunteer nurse ako dati sa isang ospital sa loob ng apat na taon. Nung napunta ako sa Pro-friends sa sales na ako,” wika ni Krystalle.
Pagdating daw sa pagbebenta masasabi niyang nasisiyahan siya sapagkat iba’t-ibang nararanasan niya bawat araw. Bago daw siya maging ‘volunteer nurse’ ay naging team leader siya ng Pro-friends. Pumasok siya bilang nurse sa loob ng isang taon at nagpasyang bumalik sa Pro-friends bilang real estate agent.
“Maliban sa mga nakukuha kong benepisyong materyal sa Pro-friends mayroon ding mga regular trainings at ang pinaka-importante ay binibigyan nila ako ng kapangyarihan na mas maging mabuting tao, at maging mas mabuting lider ng aking grupo dahil hinahawakan ko ang sales directors,” ayon kay Krystalle.
May hindi din daw siya makalimutang kliyente noon. Nagkaroon siya ng isang kostumer na metikuloso sa detalye ng kanyang inilagay na pera.kaya’t kinailangan niyang ipaliwanag lahat lalo na ang tungkol sa patakaran ng kompanya. Mula ng araw na yun natuto siyang maging matiyaga at mapagkumbaba.
Kapag nagbebenta siya ng property mas pinagtutuunan niyang ipakita sa mga mamimili ang kalidad ng produkto at ang kanilang komunidad.
Isa ito sa ipinagmamalaki ng Pro-friends na ang mga homeowners nila ay wala ng hahanapin dahil ang komunidad dun ay kompleto na. Maganda din ang bawat yari ng bahay na talagang akma sa panlasa ng mamimili.
“Nabago din ang buhay ko sa pagtatrabaho dito sa Pro-friends. Sa career at personal na buhay. Nabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko lalong lalo na ang anak ko,” pagtatapat ni Krystalle.
Pagdating naman daw sa propesyonal na aspeto, marami siyang nahikayat na mga kabataan lalo na ang mga nagtatrabaho bilang volunteer nurses ng mahabang panahon. Nakumbinse niya ang mga ito na magtrabaho sa Pro-friends at magbenta ng kanilang produkto.
Maganda din daw ang kanilang samahan ng kanyang mga ka-trabaho.
Sa kwentong ito pinatutunayan ng Pro-friends na hindi lamang kapakanan ng kanilang mga kliente ang inaalala nila kundi maging ang mga taong nagtatrabaho sa kompanya.
SA HULING PANANALITA, importatnte magkasundo ang lahat sa isang kumpanya. Kailangan ng mga team buildings, group outings para mas lalong magkabonding at makilala ang isa’t-isa.
Ang katangiang Bayanihan nating Pilipino ay napakandanda at nagpapagaan ng trabaho kung lahat bubuhat sa mabigat na gawain at iisa lang ang patutunguhan.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest