^

PSN Opinyon

Nagpapalusot pa sila tungkol sa batang kalye

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PALUSOT! ‘Yan ang ginagawa ng gobyerno sa nabistong pagtatago ng mga “pamilyang kalye” sa Maynila mula kay bumisitang Pope Francis.

Kesyo “nagkataon lang,” ani Social Welfare Sec. Dinky Soliman, na hinakot nila ang mahigit isang daang pulubi mula sa Luneta at mga ruta ni Pope Francis. “Nagkataon lang din” kuno na ginawa ito nu’ng Enero 14, isang araw bago dumating si Pope Francis, hanggang tanghali ng Enero 19, kung kelan nakaalis na siya nu’ng umaga. Dinala sila sa isang beach resort sa Batangas, ani Soliman, kabilang ng pagbibigay nila ng hanapbuhay at pabahay sa mga batang lansangan at magulang nito.

Kesyo walang rason ang Malacañang na itago ang mga pulubi, nakipalusot din si Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte. Pangmamaliit kuno kay bisitang Pope Francis na isipin na maitatago ang mga ito. Aba’y binabaliktad pa ni Valte ang isyu; pinalalabas pang nang-iinsulto sa Santo Papa ang mga kritiko ng palakad ng administrasyon.

Dahil sa pagpapalusot, nabahiran tuloy ng malisya   ang isyu. Lumilitaw na hipokrito ang administrasyon: Animo’y napakalinis nito kung pumuna sa rehimeng Marcos, pero mas “Imeldific” pala kaysa dating First Lady sa pagpapanggap na walang pulubi sa Maynila.

Kung tutuusin, dapat naman alisin ang mga pamilyang kalye. Nakakapinsala sa sarili at sa publiko ang pagpapalimos, pagtulog, at pagdumi nila sa kalye. Tama lang na suriin ng DSWD ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa, at mabigyan ng akmang lunas. Isa sa mga lunas ang programang conditional cash transfer ni Soliman. Tinuturuan ng hanapbuhay ang mga magulang, at binibigyan ng buwanang cash kapalit ng pagtiyak na pumapasok ang mga bata sa school, kung saan pinakakain din sila.

Pero dahil ngayon lang ito ginawa ng DSWD, nahuli tuloy silang natutulog sa pansitan. Pinuna sila. At imbis na umamin sila ng mali para maiwasto ito, nagpalusot at nangmalisya. Sira tuloy ang imahe nila.

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ABIGAIL VALTE

DINKY SOLIMAN

ENERO

FIRST LADY

KESYO

MAYNILA

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with