^

PSN Opinyon

Sino ang anak ng Diyos?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TINATAYA sa 5-milyong katao ang dumalo sa huling misa ng dumadalaw na pinuno ng Roman Catholic Church na si Pope Francis  sa Luneta. Ito’y sa kabila ng buhos ng ulan. Nagtiyaga ang mga fans ng Papa na magkapote at nagpayong para lamang makita ang kanilang hinahangaang religious leader. Ito ang kanyang pinakahuling misa sa Pilipinas bago siya lumipad pabalik ng Vatican ngayong umaga.

Sabi ng Roman Pontiff sa kanyang omiliya, “lahat tayo ay anak ng Diyos.” Dagdag niya sa mensaheng binigkas sa wikang Inggles, ang “pinakamalaking kasalanan ay makalimutan natin na tayo’y mga anak ng Diyos”.

Ang tinutumbok ng Papa ay ang pagpapatuloy ng kasalanan sa lipunan na siyang tanda ng ating pagkalimot sa ating pagiging anak ng Diyos.

Sa diwa ng Biblya, hindi lahat ng tao ay anak ng Diyos. Sa John 8:44 sinabi ng Panginoong JesuCristo ang ganito sa mga eskriba at pariseong kumokontra sa kanya: “Why do you not understand what I am saying? It is because you cannot hear My word. You are of your father the devil, and you want to do the desires of your father. He was a murderer from the beginning, and does not stand in the truth because there is no truth in him. Whenever he speaks a lie, he speaks from his own nature, for he is a liar and the father of lies.

Marahil, ang ibig sabihin ng Papa ay, lahat tayo’y dapat maging anak ng Diyos para masupil ang lahat ng kasamaan sa lipunan, pati na ang talamak na korapsyon sa labas at loob ng pamahalaan. Pero hindi lahat ay anak ng Diyos.

Madali kasing pumasok sa relihiyon pero ang pagsasabuhay ng mabuting aral ng iyong relihiyon ang pinakamahirap gawin. Nauna nang tinuligsa ni Pope Francis ang corruption sa pamahalaan na siyang nagkakait ng kailangang serbisyo para sa mga mahihirap.

Maraming politiko ang sa harap ng politiko ay nagsisimba at nagkukomunyon pero puro “pabalat-bunga” dahil nasasangkot sa mga katiwalian sa pamahalaan na totoo namang umuubos sa kayamanan ng bayan kaya dumarami ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino.

Kaya sino ang totoong anak ng Diyos? Yun lamang tumutupad sa Kanyang kalooban at hindi nagtatampisaw sa kasalanan para masiyahan ang pita ng kanyang sariling laman.

ANAK

BIBLYA

DAGDAG

DIYOS

POPE FRANCIS

ROMAN CATHOLIC CHURCH

ROMAN PONTIFF

SA JOHN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with