^

PSN Opinyon

Lahat ng Kristiyano kinatawan ni Kristo

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI Pope Francis mismo ang nanawagan sa lahat ng Katoliko na maging “ambassadors” o kinatawan ni Kristo. Napapanahon ang panawagan dahil sa pag-aakala ng marami, komo ang Papa ang tinatawag na “Vicar of Christ” siya lamang ang may karapatang maging “kinatawan ni Kristo”. Kaya yung ibang ordinaryong tao, ayaw nang magpakabanal.

Sa kanyang sermon sa misa sa Manila Cathedral, sinabi ng Papa: “We are all called to be ambassadors for Christ.” Tagubilin iyan sa 2 Corinthian 5:20 na ang bawat Kristiyano ay embahador ni Kristo.  Kung sa lahat ng tao ay masasalamin ang imahe ni Jesus, wala nang gagawa ng masama at mababawasan ang krimen pati na ang pangungurakot sa pamahalaan.

Naunang nagkita sa Malacañang ang Papa at si Presidente Noynoy Aquino. Maganda ang mensahe ng Roman Pontiff: Sugpuin ang lahat ng katiwalian na nagkakait sa mga mahihirap.  Kaya magkaugnay ang dalawang mensahe ng Papa. Kung kakatawanin ng tao si Kristo, hindi na siya gagawa ng masama. Nauna nang idineklara ng Simbahang Katoliko ang 2015 bilang Year of the Poor.

Para sa akin, ang mas mahirap pa kaysa mga taong walang makain ay yaong marami nang kinakain pero hindi pa rin nabubusog. Iyan ang worst form of poverty. Spiritual poverty. Kasama riyan ang mga public officials na kinukurakot ang kaban ng bayan kaya napagkakaitan ng kailangang serbisyo ang taumbayan, lalu na ang mga mahirap.

Habang nasa bansa ang Papa ay napilitan ang mga telcos na patayin ang signal ng mga cellphones. Palibhasa, puwede nang gawin ng mga terorista ang cellphone  na weapon of mass destruction. 

Nakakainis man ang hakbang na ito, wala tayong maga­gawa. Head of state ang Papa. May responsibilidad ang pamahalaan sa kanyang seguridad.  Isa pa, dinudumog ng milyones na Pinoy ang Papa. Kung may gagong terorista na magpapasabog ng bomba, marami tayong kababayang madadamay.

This may be absurd but we just have to accept it. Ang problema nga lang, in case of emergency na may kailangan tayong tawagan ay hindi natin magagawa. Marami na ngayon ang walang landline kundi puro cellphone ang ginagamit. Hanggang Lunes pa raw ang ganyang situwasyon o hanggang sa pagalis sa bansa ng Papa.

HANGGANG LUNES

KAYA

KRISTO

MANILA CATHEDRAL

PAPA

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

ROMAN PONTIFF

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with