Rep. Colmenares vs. MRT/LRT at oil hike
SANGKATERBANG madlang pinoy sa Philippines my Philippines ang naniniwala kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na dapat busisiin mabuti ang mga kumpanya ng langis kung bakit sila nagtaas nang kanilang mga presyo ng gasolina gayon lagapak ang international oil prices sa world market.
‘Bakit nga ba DOE at mukhang hindi na naman kayo kumikibo? ‘tanong ng kuwagong nalagyan.
Binatikos ni Cong. Neri ang ipinatupad na pagtaas ng singil sa oil products ng mga oil players kaya ito ang kakalikutin niya sa pagbubukas ng Kongreso dahil naghain na siya ng pagkain este mali House Resolution 755 last Friday pa.
Nagtataka ang mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit itinaas ang presyo ng langis samantala hindi na halos mapigilan ang pagbaba nito sa pangdaidigan merkado.
Naku ha!
‘May lobby fund ba?’
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, US$70.00 lang ang pricing ng oil sa international market hindi katulad last year na umabot ito sa US$100.00 per barrel ang halaga.
Kambiyo issue, isa pang haharangin ni Cong. Neri ay ang taas singil sa MRT/LRT waiting na lamang sila sa decision making ng Supreme Court kung ayos ba ang gustong mangyari ng DOTC na lalong pahirapan ang madlang people sa ipatutupad na fare hike.
Naku ha!
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ok lang magdagdag ng singil kung walang aberyang nangyayari sa mga ito gaya nang mayat-mayang tirik, overshoot, sirang riles, grabeng pila ng madlang rider.
‘Kung maganda ang serbisyo ng DOTC sa madlang public kahit itaas ang fare hike ay alaws silang palag pero kung ganito ang nangyayari sa kanilang tinatangkilik na sasakyan dapat huwag na itong sakyan ?’ sabi ng kuwagong tulisan.
Sabi nga, ipagawa muna bago i-biahe.
Ika nga, huwag na antayin pang may matigok dito?
Abangan.
***************
Last night ngayon ni Manong Dyahunyor Garing
NAGKAUSAP kami ni VW Biyong Garing at mga brethren sa Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines sa burol nang kanyang half brother na kinuha ni Lord last Tuesday, na si Felicisimo Caeg Garing Jr., 65 ng Naujan, Mindoro Oriental.
Ika nga, malungkot si VW Biyong dahil grabe pala niyang ‘love’ si Manong Dyahunyor na natigok sa sakit.
Ipinaaalala ni VW Biyong na bukas Sunday ang libing ni Manong Dyahunyor sa Manila Memorial Park sa Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay VW Biyong, last day nang burol ng kanyang Manong Dyahunyor ngayon araw sa La Bien Memorial Chapel, Bacoor, Cavite.
****
Balik uso bird’s flu
IBINULONG ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, na nakaalerto daw ang mga tauhan ng Bureau of Animal Quarantine sa lahat ng NAIA terminals, sa ibang international airport at sa mga sea port dahil hinihigpitan umano ang pagmamanman sa mga manok na sinasabing may virus from China matapos matuklasan na nauuso na naman daw ang H7N9 virus o bird flu sa nasabing lugar ?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon diumano nang problema sa isang lugar sa China kaya naman may libu-libong manok ang papatayin sa Cheung Sha Wan market.
Bakit?
Sagot - may natuklasan virus?
Sinasabing may isang babae ang diumano’y tinamaan nang virus kaya naman itinaas ang alert level laban sa avian influenza.
Sinabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, noong 2013 ay nagkaroon nang malaking problema ang China at Hongkong ng tamaan ang kanilang lugar ng virus kaya naman halos bumagsak ang kanilang ekonomiya dati.
****
Nagpaputok ng baril last New Year kasuhan at ikulong
HINDI biro ang naging biktima ng ligaw na bala noong maghiwalay ang taon the other day dahil maraming inosente ang tinamaan ng mga gagong mayayabang na nagpaputok ng kanilang baril.
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, dapat hanapin at huwag tantanan ang mga kamoteng nagpaputok ng baril at kung makikita ang mga ito ay kasuhan, ikulong at paputakan din ? Hehehe!
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga nagpaputok daw ng boga nila the other day ay mga lasing at sabog sa ginawang pagsinghot ng pulbura ng mga firecracker kaya hindi naging matino ang kanilang kaisipan during that day.
‘Ano ang mabuting gawin sa kanila ?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘Lumantad at ipakita ang yabang sa pamilya na naging biktima nila para malaman nila ang gagawin sa kanila.’
Abangan.
- Latest