Malungkot na Pasko
DAPAT masaya ang Pasko pero para sa karamihan ng OFWs, mahirap yatang mangyari ito.
Masaklap ang nahihiwalay sa pamilya lalo na kapag panahon ng kapaskuhan. Naranasan ko ito minsan noong ako ay nanunungkulan bilang Economic Affairs Officer ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) noong dekada 80, sa Geneva, Switzerland.
May apat na anak na ako noon at siyempre iisang asawa. Ang saklap. Di ko mapigilang tumulo ang aking luha sa labis na kalungkutan. Ang akala ko noon machong-macho ako pero wala pa lang pa-macho-macho kapag napalayo ka sa pamilya lalo sa panahon ng kapaskuhan.
Kaya nauunawaan ko ang kalagayan ng milyon nating mga kababayan na nasa ibayong dagat. Sa ngayon, they cry a river due to loneliness for their loved once in the Philippines. Kaya dapat wakasan na ang pagkawatak-watak ng mga pamilyang Pilipino. Dapat lumikha na ang ating gobyerno nang maraming trabaho rito sa Pilipinas para mapauwi na natin ang OFWs.
Ayon sa World Bank, kaya may widespread joblessness sa bansa ay dahil sa massive graft and corruption. Dahil ang pera na dapat itinutustos ng gobyerno para sa mga imprastraktura na lilikha nang maraming trabaho ay sa halip ninanakaw ng mga tiwaling taong gobyerno.
Ayon sa latest survey ng Social Weather Station, si Vice President Jojo Binay daw ang nangunguna sa mga napupusuan ng mga Pilipino na maging Presidente sa 2016.
Let us all kneel down and pray to Jesus whose birthday we will celebrate on December 25, that Binay is not really corrupt at ang mga overpriced parking building sa Makati at ang 350 ektaryang hacienda na maliwanag naman na pag-aari ni Binay ay mga illusion lamang at di totoo.
Ngunit kung matapos tayong magdasal at mapatunayan na ayon sa batas na siya ay nagkasala, nararapat lamang na siya ay mapatawan ng karampatang parusa.
- Latest