^

PSN Opinyon

Munti: Paraiso ng mga drug lords

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI na ako nagtataka sa nadiskubre na Department of Justice at National Bureau of Investigation sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit ngayon lang umaksyon ang Department of Justice sa balitang isang malaking pabrika ng illegal na droga ang pambansang piitang ito. Hindi lang siguro limang taon ko nang nae-enkuwentro ang balitang iyan bilang peryodista pero walang kongkretong aksyon ang gobyerno para masawata ang sakit na ito.

Pero sabi nga, better late than never. Congratulations pa rin kay Justice Secretary Leila de Lima sa pangunguna sa raid sa Muntinlupa kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigations (NBI).

Ang mga big-time drug lords pala na nasesentensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo ay nakapagtayo ng sariling ka­harian sa loob ng Muntinlupa: May mga mala-palasyong tahanan, opisina at sariling laboratoryo sa paggawa ng shabu.

Imbes na maging lugar ng pagpaparusa ang bilangguan sa mga big-time drug lords, ang Bilibid ay naging paraiso pa para sa mga drug lords na ito.  Malaya silang makapagnegosyo at mamuhay nang marangya. Ang balita pa natin ay malayang  makalabas-masok sa silid ng mga drug lords ang mga bayarang babaeng sinisipingan nila.

Palibhasa, daladala ng mga drug lords ang kanilang implu­wensya dahil sa limpak-limpak na salaping itinatapal sa mga dapat tapalan para malayang magawa ang gusto nila sa piitan. Hindi magagawa iyan kung wala silang kakuntsabang opisyal at mga tauhan ng bilangguan.

Pati mga bagong-pasok na preso ay kayang bilhin ng mga drug lords na ito, ayon kay Sec. de Lima, para maging kasapi ng kanilang sindikato sa loob.

Hindi dapat diyan magtapos ang isyung ito. Kailangan ang mas malaliman pang imbestigasyon para tukuyin ang mga mas matataas na opisyales na dapat managot sa anomalyang ito para sila man ay ikulong na rin sa piitan. Karumaldumal ding krimen ang pagsuporta sa illegal na gawain ng mga drug lords. Kaya pala hindi masawata ang problema sa droga at dumarami ang sugapa sa bawal na gamot.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG

JUSTICE SECRETARY LEILA

LORDS

MUNTINLUPA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATIONS

NEW BILIBID PRISONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with