^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Samsamin ang mga baril

Pilipino Star Ngayon

NAKIKITA na magiging madugo ang 2016 elections. Ngayon pa lang may mga patayan nang nagaganap. Malayo pa ang 2016, pero may nagsisimula nang maghasik ng lagim para mapigilan ang mga kalaban sa pulitika. Halimbawa rito ay ang pananambang sa isang congressman sa Iligan City na ikinamatay ng apat na bodyguards. Nasugatan si Rep. Vicente Belmonte nang ambusin sa Laguindingin, Misamis Oriental noong Huwebes, dakong 1:30 ng hapon. Galing sa Maynila si Belmonte. Nang nasa highway na umano sila, isang van ang humarang sa kanilang daraanan at pinagbabaril sila. Tinamaaan si Belmonte sa kamay subalit hindi naman nakaligtas ang kanyang apat na bodyguards. Ayon sa pulisya, matataas na kalibre ng baril ang ginamit sa pag-ambus. Nakikitang motibo ay may kinalaman sa pulitika.

Ngayon pa lang, dapat nang kumilos ang PNP para masamsam ang mga baril ng mga pulitiko sa buong bansa. Hindi na lingid na maraming pulitiko ang may private army. Mayroon silang arsenal. Sagana sa baril at bala. Handang makipaglaban sa kanyang mga kalaban sa pulitika. Hindi uurungan ang mga kalaban. Patay kung patay!

Kilala ang ilang pulitiko sa Hilagang Luzon na nagmamantini ng kanilang private army. Kapag walang private army ang mga pulitiko sa nasabing rehiyon, tiyak na magiging kawawa sila ng kalaban kaya sinisikap na rin nilang mag-armas. At dahil dito, lalo lamang gumugulo. Dumadanak ang dugo. Marami ang nadadamay dahil sa iringan ng magkalabang pulitiko. Kahit magkakamag-anak at nagpapatayan.

Kung hindi kikilos ang PNP sa pagsamsam at pagbuwag sa private army ng mga pulitiko, mala­king problema ito. Magiging magulo ang 2016 elections.

Para mapigilan ang pagdanak ng dugo, kaila-ngang kumilos ang OIC ng PNP na si Gen. Leonar­do Espina na samsamin ang loose firearms sa kapuluan. Buwagin ang private army ng mga utak pulburang pulitiko. Hindi dapat kumampante ang PNP sapagkat nagsisimula na ang kaguluhan sa pagitan ng magkakalabang pulitiko.

AYON

BELMONTE

HILAGANG LUZON

ILIGAN CITY

MISAMIS ORIENTAL

NGAYON

PULITIKO

VICENTE BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with