IPINARARATING ni Venerable Master Tony Ong, 32 degree KCCH, sa lahat ng mga miembro ng Scottish Rite ng Free and Accepted Masons na dumalo sa December 20, 2014, dakong alas 7pm sa ika - 50th anniversary Scottish Rite Masons, sa Celebrity Sports Club, Diliman Kyusi.
Sinabi ni VM Ong na huwag na alaws tiket o babayaran sa nasabing okasyon basta aniya ang importante ay dumalo ang mga kasapi nito dahil hindi biro ang inihanda niyang pagkain, inumin with matching music pa at ang pinakamatindi sa lahat ay katatkot-takot na regalo ang ipamimigay sa raffle na gagawin.
Sabi nga, para makakuha ng regalo dapat nandoon kayo dahil kung wala kayo sa nasabing place paano kayo mananalo!’
Ika nga, ang hindi naka- Masonic attire ay hindi kasali? Hehehe!
“Gayak na at magpunta para sa atin mga Scottish ito!’
Abangan.
Security sa NAIA mahina
SUMUGOD ang mga fan nang isa sa mga K-Pop group na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ang tinaguriang ‘worst airport’ ng makaligtaan ng mga security dito na guardya pala sila at ang trabaho ay ang magmasid ng mga ‘unauthorized people’ na balak gumawa ng mga kagaguhan sa nasabing paliparan tulad nang mga mandurukot, salisi gang echetera.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISIMO, nagtataka sila kung bakit nakapasok sa may arrival curbside nang ‘worst airport’ ang mga fan na sumugod dito restricted area ang lugar at tanging mga arriving passenger at mga authorized personel lamang ang dapat dito.
Tama ba, AGM for Security and Intelligence Guerzon, Sir?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pangalawang beses pa lamang nangyari sa kasaysayan nang worst airpot nakapasok ang mga hindi ‘authorized’ madlang people sa arrival curbside, una ay noon panahon ng isang alyas Mutuc, na hepe ng Airport police, dahil pinayagan nito ang mga militante grupo na mag-rally sa pinag-uusapan natin lugar at ang pangalawa ay itong mga fan ng pop group, kaya nagkaroon ng disgrasiya at ayon sa awa ng Dios basag ang salamin. Hehehe!
Ika nga, nakakahiya talaga!
Sinabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa kahinaan at kapalpakan ng security ay nakakahiya ang nangyari sa NAIA ‘worst airport.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, palpak talaga ang nangyayari ngayon sa mga terminal tulad sa NAIA 3 dahil sa kawalan ng CCTV sa vicinity ayon tigok tuloy ang isang Mayor at isang sanggol sa arrival curbside ng paliparan at dahil din sa kahinaan ng ipinatutupad na security measures dyan sa ‘worst airport’ nakakapasok o nakakalusot ang mga hindi autorisadong ‘human being.’ Hehehe!
‘Hindi lang isang beses kundi dalawang beses napasok nang mga hindi autorisadong people ang ‘highly restricted area’ ng worst airport. Pilit ng dalawang outsider na umakyat pa sa international aircraft.
‘Ano ba ito?’ tanong ng kuwagong mangmang.
‘Mukhang pakaang-kaang ang ilang opisyal ng MIAA sa security?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila sa pangyayari ngayon sa NAIA dahil ang mga namamahala rito na itinalaga ni P. Noy ay mga retired General pa ng AFP at PNP.
Tanong - Ano kaya ang nangyari sa kanila?
‘Security conscious pa rin kaya sila?’ tanong ng kuwagong patanga-tanga.
Abangan.