^

PSN Opinyon

First of all the ‘Tuwid na Daan’ is a lie.

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ang totoo ay ‘Baluktot na Daan’. Ang katotohanan ay binabaluktot. ‘Pag ikaw ay kalaban ng Liberal Party, ang katotohanan ay babaluktutin para palabasin na ikaw ay may kasalanan. ‘Pag ikaw ay kakampi ng LP, ang katotohanan ay binabaluktot para pag takpan ang katiwalian ng kakampi.  

Secondly, huwag na tayong lokohin pa ni Roxas tungkol sa good go­vernance.

Ang pinaka-malaking alegasyon ng kalokohan sa DOTC ay nangyari sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ito ay nagresulta sa araw-araw na pagdurusa at paglagay sa delikadong sitwasyon ng mga commuter ng MRT. He must fully explain the US$30-million extort try as complained by the former Czech ambassador. Up to this day he has said nothing about it. At yung reklamo ng former Czech ambassador Josef Rychtar sa NBI filed October 13, 2013  ay hindi pa rin naaksyunan hangang ngayon.  Ganyan ba ang NBI, isang taon na pero wala pang report? Halatang-halata ang klase nang pagtatakip sa kakampi. 

Thirdly, the Filipino voters are not only smart, most of all they have a very strong sense of gut feel to know who really cares for their welfare.

They know that it is Vice President Jejomar Binay who has spent all his life with the poor and started his service from the time he was a human rights lawyer, to the time he was Mayor of Makati where he started free private quality public school education, free hospitalization, allowances for the senior citizens.

To this day as VP, he still concentrates his service to those who are homeless and the OFWs who have to be apart from their loved ones just to provide them a better future.

Bibigyan ng Chief Kuwago ang kampo ni DILG Secretary Roxas ng ganito rin espasyo para sagutin kung gusto nila ang birada ni Tiangco para sa patas na pamamahayag.

Abangan.

Arriving OFW’s dagsa sa NAIA

DUMADAGSA na ang mga arriving passenger sa NAIA lalo na ang mga galing aboard este mali abroad pala kaya naman makapalkapal na rin ang pilahan sa mga counter ng immigration dahil sa pagdagsa ng mga pasahero.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman mahihirapan talaga sa pagmamanman ang mga tauhan ng Bureau of Quarantine sa NAIA dahil nga sangkatutak na ang arriving passengers  galing sa iba’t -i bang panig nang mundo kaya naman ang mga pasaherong galing sa West Africa tinitingnan mabuti ng mga autoridad baka kasi may dala silang nakakamatay na sakit ang ‘e-bulsa’ este ebola virus pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng dumara­ting sa Philippines my Philippines na OFW’s galing abroad legal man o hindi ay sabik na sabik na makita ang kanilang mga pamilya kaya naman ang mga ito ay nagmamadalaing umuwi at makarating sa kanilang mga bahay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang malaking problema nga lamang ay iyong mga OFW’s galing Sierra Leone, Guinea at Liberia ay dapat munang isailalim sa mandatory 21 days quarantine para matiyak na ligtas o wala silang sintomas sa ebola.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung makakalusot ay talagang lulusot at lulusot ang mga OFW’s galing sa tatlong bansang pinaguusapan natin dahil nga sa kasabikan at takot na rin i-quarantine dahil sa limitado ang oras na makakapiling nila ang kanilang mga pamilya ngayon kapaskuhan kapag nadala sila sa kuwarantina para maobserbahan.

‘Simple lang ang gagawin ng mga OFW’s makikipagsiksikan ito at hahalo sa mga pasahero para maiwasan ang mga taga- quarantine at makapuslit papalabas ng NAIA.’ sabi ng kuwagong lilinlangin.

‘Ano ang dapat gawin para hindi sila malusutan tulad ng sinasabing may mga OFW’s from Liberia ang nakatakas sa kuko ng mga bakulaw este mali mga aurotidad pala sa airport?’

‘Lahat ng pasahero galing Liberia, Leone at Guinea specially mga pinoy dapat doon pa lamang sa port of origin ay may mga pangalan na silang hawak dito sa NAIA para malusutan man ang mga tauhan ng Quarantine ay masisilo sila sa Bureau of Immigration pagbigay ng kanilang pasaporte.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para mangyari ito dapat magkaroon ng proper coordination ang DFA, POEA, DOH, DOLE dahil may mga listahan sila ng mga manggagawa lalo na ang POEA basta legal na workers. Madali lang malaman ito sa pamamagitan ng passenger manifest o kaya humingi sila ng advance airline passenger manifest sa port of origin na ang lahat ng pinoy from Liberia, Sierra Leone at Guinea napupunta sa Philippines my Philippines ay dapat nilang imonitor .

‘Pakilusin nila ang Embahada natin doon para sila ang magmanman sa mga uuwing OFW’s?’ sabi ng kuwagong haliparot.

‘Kung may advance manifest tiyak ang mga pasaherong galing sa tatlong kinatatakutan lugar ay hindi makakalusot sa NAIA dahil madali itong maharang ng immigration sakaling makalusot ito sa quarantine.’ sabi nga airport observer. 

Sabi sa ulat, dalawang overseas Filipino workers na dumating sa bansa mula Sierra Leone na may Ebola outbreak ang pinaghahanap ng Bureau of Quarantine matapos na malusutan daw ang mga airport authorities sa takot na magpasailalim sa 21-araw na quarantine?

‘Madali nga ito passenger manipest lamang alam na nila kung totoo at makikipag-coordinate lamang sa Immigration para makuha ang mga pangalan nila kung totoong nakapuslit ang mga ito dahil tinatatakan ‘arrive’ sa airport ang kanilang mga passport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba ang trato sa AFP peacekeepers kaysa sa OFW’s kapag ang pinagusapan ay kuwarantina.

Abangan.

BUREAU OF QUARANTINE

GALING

OFW

PARA

QUARANTINE

SABI

SIERRA LEONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with