CBA sa pagitan ng taumbayan at Presidente
ANG ibig sabihin ng CBA para sa ating usapin sa kolum na ito ay Citizens’ Bribe Alert, hindi Collective Bargaining Agreement na isang kasunduan sa pagitan ng mga manggagawa at amo.
Habang hindi pa natatapos ang termino ni P-Noy, sana magtatag siya ng isang kilusan ng mga mamamayan na pangangalanan niyang Citizens’ Bribe Alert (CBA).
Sa pamamagitan ng CBA, bibigyan niya ng otorisasyon ang lahat nang mamamayan na sasali na mag-report sa kanya sa Malacañang ng mga kaso ng mga “unexplained wealth” sa kanilang paligid.
Halimbawa, may nakikita ang isang miyembro ng CBA na ang isang mayor o konsehal ay may malaking mansion o hacienda sa kanilang barangay, dapat iparating agad ito sa Presidente.
Ang Presidente naman ay dapat magtatag ng CBA office sa Malacañang para sumuri sa lahat ng mga reports kung may “probable cause” ba of corruption o wala, at aksyon kaagad kung mayroon.
Sa pamamagitan ng active citizens’ participation sa pagsugpo ng katiwalian, siguradong mababawasan ang katiwalian sa bansa na sanhi nang malawakang joblessness, underemployment, overseas employment at iba pa dahil sa halip na ginagasta ng gobyerno ang malaking halaga para sa mga imprastraktura at public services na makakalikha ng maraming trabaho, ang pera ay sa halip ninanakaw ng ilang tiwaling pulitiko at taong gobyerno.
Kaya mga kababayan, kung ikaw ay nasa hanay ngayon ng mga walang trabaho, wala kang dapat sisihin kundi ang mayor mong corrupt, o senador,o kongresista at iba pa.
Himukin natin si Mr. Matuwid na Daan na magtatag ng CBA at gawin tayong lahat na mga miyembro. Isyuhan niya tayo ng mga ID na pirmado niya mismo.
Ayon sa Transparency International, ang massive graft and corruption daw ay isang “cold and calculated theft of opportunities” na dapat tinatamasa ng taumbayan. Samakatuwid, tayong lahat ay biktima ng thievery ng mga tiwaling opisyal ng ating pamahalaan.
- Latest