^

PSN Opinyon

Ipinapatay ang asawa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NABARIL at napatay ang asawa ni Amy na si Val, isang opisyal na may mataas na ranggo. Sinam­pahan ng kaso sina Tino, Jimmy, Manny at Gerry dahil sa ginawa nilang pakikipagsabwatan sa isa’t isa upang mapatay si Val. Kinasuhan din si Amy ng parricide. Dahil sa ginawa niyang pag-uudyok at kapalit ng pera, nagawa ng kalaguyo niyang si Tino na patayin si Val.

Nang sampahan ng kaso, inaresto si Amy at naku­long. Agad siyang nagpetisyon upang makapagpiyansa. Ayon sa kanya, mahina ang ebidensiya na magdidiin sa kanya sa kaso. Samantala, nang arestuhin si Tino, guma­wa ito ng isang sinumpaang salaysay. Inamin niya na si Amy ang may pakana at nagplano ng nasabing pagpatay. Inamin din niya sa hukuman ang kanyang kasalanan.

Sa paglilitis ng petisyon tungkol sa piyansa, ginamit ng prosekusyon ang testimonya ni Dencio, pinsan ni Tino na nagpahayag na narinig niya at nakita ang pagkainip, desperasyon at pagmamakaawa ni Amy kay Tino nang magtanong ito tungkol sa planong pagpatay kay Val. Ginamit din ng prosekusyon ang tungkol sa ginawang pag-amin ni Tino sa pakikipagsabwatan niya kay Amy. Sa kabila ng lahat ng ito, tinanggap pa rin ng korte ang aplikasyon ni Amy. Nakalabas siya ng kulungan matapos makapagpiyansa.

Kinuwestiyon ng prosekusyon sa pamamagitan ng kapatid na babae ng namatay ang tungkol sa ginawa ng korte. Ayon sa kanila, inabuso ng husgado ang kapang­yarihan nito nang ipahintulot ang pagpipiyansa ni Amy. Tama ba sila?

TAMA. Ang isang taong kinasuhan dahil sa isang mabigat na kasalanan na ang ipapataw na parusa ay habambuhay na pagkakakulong ay hindi dapat hayaang magpiyansa lalo at matibay ang ebidensiya laban sa kanya.

Ayon sa batas (Rule 114, Sec. 1 & 2, Rules of Court),  ang piyansa na ibinibigay ng akusado o ng piyansador ay pinahihintulutan bilang garantiya sa pansamantalang kalayaan ng akusado sa kondisyon na titiyakin ang patuloy niyang pagsipot sa paglilitis sa oras na ipatawag ng husgado. Hindi ito isang ka­rapatan na ginagarantiya­han ng batas. Maaaring hindi tanggapin ang piyansa lalo at matibay ang ebi­densiya sa isang grabeng kaso  o ang tinatawag nating “capital offense”. 

Sa kasong ito, hindi nai­saalang-alang ng husgado ang katotohanan na mis­mong ang pumatay na ang umamin at nagturo kay Amy bilang utak ng krimen o mastermind. Bukod dito, ang pahayag ng pinsan ni Tino na si Dencio  na siya mismo ang nakakita at na­karinig sa mga aktuwasyon ni Amy ay sapat na upang patunayan na matibay ang ebidensiya na may kina­la­man si Amy sa nangyaring pagpatay at siya pa mismo ang instrumento o pasi­muno nito. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ng husgado nang pahintulutan nito ang pagpipiyansa ni Amy. Dapat na ipawalambisa ang piyansa at ares­tuhin siyang muli. (Valerio vs. Court of Appeals, et.al., G.R. 164311-12, October 10, 2007).

AMY

AYON

COURT OF APPEALS

DENCIO

INAMIN

ISANG

SHY

TINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with