^

PSN Opinyon

‘Makulay’ na susunod na taon’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TULAD ng nauna ko ng sinabi sa aking programang BITAG Live, marami pang mga nakaupo sa pamahalaan ang maglulutangan at mangangako habang papalapit na ang eleksyon.

 Sinimulan ni Justice Sec. Leila De Lima. Itinaon sa ika-limang taong anibersaryo ng malagim na Maguindanao Massacre. May conviction o may mahahatulan na daw sa 2016.

 Sinundan ng kumag na mga talpulano sa Philippine National Railways (PNR). ‘Yung malapugon na tren, maa-upgrade na daw ang pasilidad at imprastruktura sa susunod na taon. P2.5 bilyon daw ang nakalaang pondo. Hindi sa pinahihiya o pinaglalaruan ko sila. Hindi rin ito uring pang-iinsulto. Kapansin-pansin lang kasi na kung kailan patapos na ang taon at kung kailan malapit na ang eleksyon, saka lang nila ginagawa ang mga bagay na noon pa dapat nila ginawa.

 Hindi rin lusot dito si Pangulong Noy Aquino. Matagal na ang hinaing ng mga pobreng maliliit na magniniyog sa coco levy fund subalit ngayon lang din sya nagsasalita. Nagpapahiwatig na ang presidente. Maglalabas daw siya ng pondo mula doon sa kontrobersiyal na P71 bilyones na pondo ng coco levy. Pero dahil wala pang batas, mag-iisyu nalang daw muna sya ng Executive Order o EO.

 Kung tutuusin, dati pa, matagal nang may problema ang industriya ng niyog sa bansa. Isa na diyan ang namamayagpag pa ring pamemeste ng coconut scale insect (CSI) partikular sa Cavite, Laguna, Batangas at Quezon (CALABARZON). Ang mga puno ng niyog, napapanot. Mukha ng palito ng posporo na nakatayo dahil sa pesteng cocolisap. Isa ang BITAG investigative team sa mga nag-imbestiga dito nitong mga nakaraang buwan ng tag-araw.

 Ngayon, nakalimutan na ang CSI.  Ang milyones na inilaang pondo, niraraket lang sa pamamagitan ng sinasabing suntok sa buwan na mga solusyon. Kung dati kasi masigla at agresibong tumututok si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Kiko Pangilinan ngayon, nakakabingi ang kaniyang katahimikan.

 Ang punto dito, magbubuhos daw ng pondo ang administrasyon. Oo nga naman,campaign period na sa susunod na taon. Kinakailangang maglabasan na ang mga ‘makukulay’ na ‘papel’ ng mga mapapapel na pulitiko at nag-aasam-asam ng pwesto bago ang eleksyon.

 Ilan lamang ito sa mga dapat antabayanan, amuyin at bantayan ni Juana at Juan Dela Cruz habang papalapit na ang susunod na halalan.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

EXECUTIVE ORDER

FOOD SECURITY AND AGRICULTURAL MODERNIZATION KIKO PANGILINAN

ISA

JUAN DELA CRUZ

JUSTICE SEC

LEILA DE LIMA

MAGUINDANAO MASSACRE

PANGULONG NOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with