^

PSN Opinyon

‘Silipan ng pondo at pamumulitika’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISA’T KALAHATING taon bago ang eleksyon, patuloy na hinihikayat ng BITAG Live ang publiko. Bantayan ang mga ibinubuhos at ipinapanukalang pondo ng gobyerno.

Ngayong 2015, P2.6 trillion ang inilalaan ng pama­halaan bagay na kinu-kwestyun ng ilang mga mambabatas.

Isa na dito si Sen. Miriam Santiago. Ayon sa kaniya, may pork barrel pa rin daw ang 2015 budget kung saan asahan nang ang mga ‘kulay dilaw’ lang daw ang makikinabang.

Oo nga naman, paano nga naman mananalo ang mga ‘chuwari-wariwap’ kung hindi magbubuhos ng pondo ang administrasyon sa pamamagitan ng mga proyekto ng mga kapartido.

Kaya sa susunod na taon kung saan malapit na ang halalan, siguradong maglalabasan ang mga patay-gutom na pulitiko.

Andyan si Senador 15% at Kongresman 10% na talaga namang “TL,” tulo-laway sa naglalakihang porsyento ng mga proyekto.

Mga Kuya ‘Eddie…ako.’ Gusto laging may parte doon sa pondo dahil kung hindi, iipitin nila ang milyones sa deliberasyon sa kongreso. Taktika at estratehiya na matagal ng sistema sa pamahalaan.

Kaya patuloy na panawagan ng BITAG Live sa mga infrastructure watchdog o sa taumbayan, buksan ang inyong mga mata at tainga.

Amuyin ang bawat proyekto sa inyong lugar. Anong proyekto, sino ang kontratistang baka kaanak pa ni Kongresman Kumag at kung kailan ito matatapos.

Kasi kapag hindi ito nasilip at nabantayan, diyan nakakapagnakaw at nakakapasalisi ang mga putok sa buhong  tiwali at kurakot na mga pulitiko.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AMUYIN

ANDYAN

KAYA

KONGRESMAN KUMAG

MGA KUYA

MIRIAM SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with