Good luck sa Bangsamoro Coordination Forum
TOTOONG marami pang dapat gawin upang maisakatuparan ang sinasabing Bangsamoro entity na bubuuhin sa pamamagitan ng Bangsamoro Basic Law na ngayon ay nakabinbin sa Kongreso.
Mahabang paglalakbay pa ang kailangang tatahakin at nang ang kapayapaan ay makamtan na rito sa katimugan.
At maliban sa ginagawang series ng public hearing ng Congressional Committee on the Bangsamoro tahimik lang ding nagpang-abot ang magkaribal na faction ng Moro Islamic Liberation Front at ng Moro National Liberation Front (MNLF) at binuo nila ang Bangsamoro Coordination Forum (BCF).
Ito ay sa pamamagitan ng meeting noong nakaraang linggo sa pagitan ng MILF at MNLF na pinatawag ng Organization of Islamic Countries.
Naging positibo naman ang resulta ng meeting na iyon ng mga MILF at MNLF officials na nagdaan sa activation ng BCF.
Kahit paano nakahinga na rin ng maluwag ang dalawang magkabilang panig at may isang mechanism na kung saan pupuwedeng mag-usap sila na hindi na dinaraan sa dahas.
Mahalaga ang BCF dahil nga ang MNLF ay lumagda ng final peace pact noong September 1996 at ang MILF naman ay pinagtibay ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) noong nagdaang Marso.
At sa pamamagitan ng BCF kung anuman ang mga gusot na kailangang ayusin ng dalawang panig ay magagawa na ng matiwasay.
Kaya good luck sa BCF na kahit paano ay nagmistulang liwanag sa masalimuot na pinagdaanan ng peace process.
Tila ang BCF ay nagbibigay pag-asa para sa lahat ng stakeholders dito sa Mindanao, mapa-MNLF o MILF man.
- Latest