^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Drug test sa mga pulis

Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi pa nadiskubre ang mga bawal na droga sa locker ng mga pulis sa Manila Police District (MPDA) headquarters sa UN Avenue, Manila, hindi pa isasailalim ang mga ito sa drug test. Mabuti at nadiskubre na may mga shabu at marijuana sa locker kung hindi, habampanahon na may “gagamitin” o di kaya’y ire-recycle ang ilang parak doon. Nakakahiya na ang mga locker ay may lamang illegal na droga. Bukod sa shabu at marijuana, nakakuha rin ng mga bungkos ng mga pera at drug paraphernalia at ilang gamit sa pagsinghot ng shabu. Mai-imagine kung sa loob pa ng MPD headquarters ay mayroong bumabatak ng shabu at humihithit ng damo.

Nadiskubre ang mga nakatagong shabu at ma-rijuana sa tanggapan ng District Anti-Illegal Drugs (DAID). Ipinag-utos ni MPD District Director Senior Supt. Rolando Nana na baklasin ang mga locker ng DAID operatives noong Sabado at natambad sa mga nag-raid na pulis ang sangkatutak na droga, pera at drug paraphernalias. Inaresto ang 14 na operatiba ng DAID kasama ang kanilang hepe. Agad inalis sa puwesto ang mga operatiba ng DAID at sinampahan na ng kaso. Paglabag sa Republic Act 9185 o ang Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002. Sinampahan din sila ng kasong administratibo.

Agad din namang ipinag-utos ang random drug test sa lahat ng pulis sa MPD. Sabi ni Nana, nakiki-pag-ugnayan na sila sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame para sa drug test. Sa pamamagitan daw ng drug test ay malalaman kung sino sa mga pulis ang gumagamit ng droga. Pero bago raw isailalim sa droga ang mga pulis, magkakaroon din daw sila ng background check sa mga mi-yembro ng MPD.

Maganda ang balak ng MPD sa kanilang mi-yembro. Pero sana, hindi muna inihayag ang drug test at sinorpresa ang mga pulis para wala silang kawala. Gayahin din naman sana ng iba pang police districts ang gagawing drug test ng MPD para masiguro na walang mga “bangag” na pulis. Nakababahala kung ang mga nagpapatrulyang pulis ay may “karga” at nagti-trip.

 

CAMP CRAME

COMPREHENSIVE DANGE

CRIME LABORATORY

DISTRICT DIRECTOR SENIOR SUPT

DRUG

DRUGS ACT

MANILA POLICE DISTRICT

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with