‘Kidnap-for-ransom sa Pinas’

(Biro na katotohanan)

NITONG mga nakaraang linggo, ipinangalandakan ng mga Abu Sayyaf ang daan-daang milyones na ibinayad ng gobyerno ng Pilipinas bilangransom money sa mga nakidnap na dalawang German national.

 Mariin itong itinaggi ng pamahalaan, subalit sadyang ipinakita ng mga Sayyaf para patunayang hindi sila nagsisinungaling. Malaking sampal ito sa administrasyon kung saan napakarami ang kulay dilaw.

 Kung totoo man o hindi na ang gobyerno nga ang nagbayad, hindi na mahalagang usisain pa. Ang mahalaga ngayon, laya na ang dalawang Aleman.

 Nag-iwan ang insidenteng ito ng masamang-panlasa sa dila ng mga dayuhang bansa na nakatingin sa atin. Na para bang ang KFR activity,kabahagi na ng buhay at sistema na sa Pilipinas.

 Dito palang makikita na delikadong mamuhay sa bansa kapag ikaw ay banyaga o ‘di naman kaya negosyante,

 Ito ay malinaw na repleksyon na hindi kaya ng gob­yerno na protektahan ang mga nabanggit na maaaring target mula sa mga masasamang-loob at kriminal.

 Kamakailan, umiyak sa Senate hearing ang negos-yanteng si Antonio Tiu habang iniimbestigahan ng blue ribbon sub-committee.

 Dahil ito sa biro ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang tinutumbok ay ayos lang kung makidnap ang inimbita-hang resource person. May pambayad naman daw siya sa mga kidnaper.

 Pumalag ang Chinese business community dito. Hindi daw dapat ito gawing biro at hindi dapat bigyan ng dignidad lalo na ng isang mataas na opisyal ng gobyerno.

 Ang hubo’t hubad na katotohanan, malaking isyu ang KFR sa Pilipinas pero sadyang hindi pinapalawak. Kuntento na ang gobyerno na maging laman lang ito ng balita at hindi na kailangan pang imbestigahan. Mas gusto pa nilang pag-usapan at malibang ang publiko sa mga batuhangputik at pamumulitika nila sa pulitika.

 Pero ang totoo, marami ang mga nakikidnap na mga negosyante na sadyang hindi na inire-report sa mga awtoridad.

 Ang dahilan, mas malaking tyansa pa o 85% na makikitang buhay ng mga pamilya ang kanilang kaanak kumpara sa 15% lang kung makikipagtulungan pa sila sa gobyerno. Alam ito ni Teresita Ang-See.

 Ang punto ko dito tulad ng sinabi ko sa aking programang BITAG Livenitong mga nakaraang araw, sa biro na binitiwan ni Cayetano, nangangahulugan lamang na totoo nga ang kidnap-for-ransom.

 Biro na katotohanan at walang magawa ang pamahalaan.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

Show comments