KAYA hindi ka nilulubayan ng three musketeers sa Senado na sina Koko Pimentel, Sonny Trillanes at Alan Peter Cayetano ay dahil sa ayaw mong humarap sa kanila. Ikaw ang pangalawang makapangyarihang Pilipino sa buong bansa. Bukod sa Vice President, Secretary ka rin ng HUDCC at Presidential Adviser on OFWs. Dati kang mayor ng Makati City, asawa ka ng dating mayor ng Makati City, tatay ka ng kasalukuyang mayor ng Makati City, ng Senadora, ng Kongresista at Presidente ka pa ng Boy Scouts of the Philippines.
Be brave Mr. Vice President. Harapin mo ang three musketeers at ipadama mo sa kanila ang bigat ng iyong kapangyarihan at ng inyong dynastiya. Ipakita mo sa kanila na circumsado ka rin tulad nila.
Abogado ka at malamang hindi ka absent sa law school noong itinuturo ang isang prinsipyo sa subject na statutory construction na kapag ang isang tao ay inaakusahan ng kung anu-anong nakakasirang bagay ay nananahimik lamang sa halip na kinokumpronta ng personal ang naninira sa kanya. Ang “construction” o interpretation ng ipinapamamalas niyang hindi paghaharap sa umaakusa sa kanya ay pag-amin na totoo ang mga bintang sa kanya.
Puwede rin ma-construe na naduduwag siya o hindi siya circumsado pero ang pagkakaalam ko ay shorter version siya ni Rambo kaya kilala siya bilang Rambotito na ubod nang tapang.
Mr.Vice President dazzle those three guys in the Se-nate with your powerful presence. Tag along your wife, son and two daughters. Baka sakaling tumameme ang tatlo.
Papaano na kung naging Presidente ka na at ang kumakalaban sa iyo ay China, halimbawa. Hindi puwede ang style mo Rambotito. Confront your enemies Sir. Show them your manhood.