HINDI biro - biro ang mga inihanda ni Senior Warden Bro. Rey Raagas para sa kanyang mga brethren from Laong-Laan Lodge 185 and visitors last night dahil saksakan ng dami at sasarap ng mga putahe at mga mamahaling alak na ipinainom nito.
Actually, last Thursday pa ang birthday ni Kuyang Rey pero inilaan niya muna ang kanyang oras sa kanyang family kaya yesterday evening na siya naghanda ng todo - todo.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MSMO, limang lechon baboy, barbeque, dalawang lechon baka, mga sariwang maliputo, maya-maya, talakitok, ludong, naglalakihan alimango, curacha at mga tiger prawns ang nasa hapag kainan and with matching mga ice cream plus birthday cake siempre.
‘Kaya ang sigaw ng mga bisita kay birthday boy sana araw - araw ay kaarawan niya!’ Hehehe.
‘Happy Birthday, Kuyang!’
Security lapses sa NAIA ‘worst airport’ terminal 1
HABULANG umaatikabo ang nangyari sa tarmac area ng NAIA ‘worst airport’ terminal 1, yesterday morning, matapos makita ang isang kelot na nakatayo sa gulong ng isang international aircraft habang umaatras ito at lilipad papuntang Japan.
Bakit nasa may gulong?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbabakasaling dito siya dadaan para maka-akyat sa eroplano at makasakay dito. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpakilalang si Don Alfredo Gutierrez, 23, ng Oriental Mindoro ang naaresto ng mga autoridad matapos ang mahabang habulan dito.
Ika nga, hingal dito, hingal doon!
‘Hindi lang ngayon nangyari ito last year ay may isang lalaki ang nakalusot at nakapasok sa tarmac area ng nasabing paliparan at nagtatakbo rin ito dito.’ sabi ng kuwagong tutulog-tulog.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may security lapses na naman nangyari sa ‘restricted area’ ng paliparan.
‘Paano ngayon kung terorista ang nakapasok at umihi este mali may ginawang kalokohan sa mga eroplano dito?’ tanong ng kuwagong patanga-tanga.
“Ano na naman mangyayari sa Philippines my Philippines?’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba ang nakabantay sa paliparan may mga security guard, airport police, PNP Aviation Group bukod pa sa mga intel unit dito.
‘Bakit nakapasok si Don saan ito dumaan?’ tanong ng kuwagong bright.
“May CCTV ba ang vicinity ng NAIA ‘worst airport’ terminal 1?’ tanong ng kuwagong niloko sa bidding.
‘Iyan ang ipasagot mo kay AGMSES tired este mali retired pala PAF Major General Guerzon.’
Abangan.
DSWD at ang mga batang hamog
IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na sangkaterbang ‘solvent boys’ at ‘street children’ ang nagkalat sa mga lansangan sa Metro - Manila na hindi binibigyan pansin ng mga taga - local government at DSWD na sumasakop sa mga lugar na tinitirikan ng mga nabanggit.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMIO, na hindi birong salapi at mga resources ang ibinibigay ng gobierno every year ang nakalaan sa DSWD bilang bahagi sa national budget kaya kailangan maglaan sila ng funding para gamitin sa mga ‘street children’ at ‘solvent boys’ at bigyan sila ng mas maayos na pamumuhay at hindi dapat pabayaan nakakalat sa mga kalye at ang pagtulog ng mga ito sa mga bangketa.
Ika nga, billions of pesos ang budget na inilaan ng gobierno para gamitin ng DSWD sa kanilang mga gawain at social services.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dumarami ang mga batang hamog na gumagawa ng iba’t-ibang klase ng krimen partikular ang pag-singhot ng solvent at pagnanakaw para hindi nila maisip na sila ay walang makain at kumakalam ang sikmura.
Sabi nga, gutom!
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa mga batang hamog na umaabuso sa pagsinghot ng solvent ay nagkakaroon ng hindi birong sakit sa kanilang baga at ang iba naman sa mga ito dahil na rin sa tindi ng gutom ay nasisiraan ng pag-iisip.
‘Kaya may mga maagang nabubuntis sa mga batang hamog dahil sa epekto ng solvent kaya hindi na inaalintana ang nangyayari sa kanila at magiging anak.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung babalewalain ng gobierno ang mga batang hamog lalong dadami ang mga ito sa lansangan at malamang lalong lumala pa ang kriminalidad.
Abangan.