Insiders ang sindikato sa NAIA
ITINATANONG nang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung nasaan napunta ang P.6 million salaping kinikil at ibinayad ng 4 passengers going abroad na tangkang ipuslit nang mga tauhan ni MIAA Assistant General Manager for Security and Emergency Services tired este mali retired pala General Vicente Guerzon na isasakay sana nang aircraft dyan sa NAIA ‘worst airport’ terminal 1 last month.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siningil ng grupo nang escort service o human traffickers ang apat na bebot na magpupunta sana ng Lebanon ng tig - P150,000 each kaya naman tuwang-tuwa sa galak ang grupo ng sindikato sa ‘worst airport.’
Bakit?
Sagot - malaking salapi ang kanilang pagpapartihan lalo’t nalalapit na ang Christmas season.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagamit pa ang apat na bebot ng ‘official business’ o OB identification access pass para hindi sila pagdudahan na bitbit nila ang mga illegal passenger.
Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, galing sa labas nang ‘worst airport’ ang mga nagbayad na bebot kasama ang kanilang escort na diumano’y sekretarya ni Guerzon. Pinagsuot sila ng OB pass id at idinaan sila sa arrival area ng sira-sirang paliparan at pagkatapos ay pina-akyat sa hagdan patungong departure area pero walang alam ang mga kamote may nakatiktik sa kanilang istilo kaya pinagduduhan ito ng isang immigration officer na sumusunod ala - James Bond sa pupuntahan nilang lugar.
‘Nasilo ang apat na nakikilang bebot sa may departure immigration area pero ang escort na diumano’y sekretarya ni Guerzon ay mabilis pa sa kidlat na naka-eskapo.’ sabi ng kuwagong binukulan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may sabwatan nangyari sa tangkang pagpupuslit sa 4 women at malamang matagal na rin itong nangyayari sa NAIA ‘worst airport’ terminal 1 dahil may pattern ang kanilang illegal operation pagdating sa salapi.
Ika nga, escort service with a fee!
Abangan.
Boxing - ball!
SIGURO panahon na para bigyan nang mabigat na parusa ang mga player sa basketball court na nagba-boxing-ball lalo’t kung ito ay televized dahil hindi magandang makita o mapanood ito ng madlang kabataan na umiidolo sa larong basketball.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lamang sa amateur games nagkakaroon ng banatan kundi pati sa professional basketball league sa Philippines my Philippines ay nag-uupakan na rin ang manlalarong magkalaban sa basketball court.
‘Alam naman ng karamihan sa manlalaro ng basketball na physical game ang larong ito kaya dapat handa ang katawan ng isang player na masaktan o mapilayan dahil sa disgrasiya kasi nga kasama ito sa laro.’ sabi ng kuwagong pikon.
‘Siguro dapat pang higpitan ng mga organizer ang mga parusang ipapataw sa mga nagsusuntukan naglalaro sa loob nang basketball court.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Ika nga, huwag na sila bigyan pa muli ng another chance para madala at magtanda upang hindi sila gayahin ng mga batang player na umiidolo sa kanilang laro.
‘Anong parusa?’ tanong ng kuwagong urot.
Sagot - i-ban na para hindi na maglaro!
Kamote, korek ka dyan.
Abangan.
- Latest