Tiangco vs. Drilon

MAY kasong isinampa kay Senate President Franklin Drilon tungkol ito sa usapin diumano’y overpricing sa ginagawang Iloilo Convention Center kaya naman  hinahamon ng United Nationalist Alliance na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado gaya ng ginagawa nitong pag-iimbestiga kina VP Binay at ang tatlong itlog este mali Senador na ipinasuspinde nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasong plunder, malversation of public funds, dishonesty at grave misconduct ang isinampal este mali isinampa pala kay Drilon dahil maanomalya diumano ang pagpapatayo ng ICC gamit ang pitsa ng kanyang PDAF?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Umalma si UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco sa pangyayari dapat kasing bilis ang action taken kay Drilon tulad ng ginawa kina Senators Enrile, Estrada at Revilla tungkol ito sa usaping pork barrel scam.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagdududahan ni Tiangco na baka maging malamya umano ang imbestigasyon gagawin ng mga kaalyado ni Drilon sa Senado hindi tulad ng ginawang imbestigasyon kay VP Jojo Binay.

Sabi ni Tiangco, hinihikayat niya sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, DOJ Secretary Leila de Lima, COA, AMLA council, BIR Commissioner Kim Henares at mga Senators na sina Auilino Pimentel 111 Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV na busisiin, kalkalin para maimbestigahan si Drilon.

Droga at sugalan sa Barangay 182, Zone 16

HINDI na mabilang ang mga adik-adik dyan sa lugar ni Chairman Jimmy Llorente sa Barangay 182, Zone 16, at ang sugalan hitik na hitik din dito.

Sabi nga, nakapatong ang mga burongoy kawatan at mga bugok na pulis sa MPD station 1!

‘Mistulang pipi, bulag at bingi ang mga Kamote.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan gisi­ngin ang PDEA para tiktikan ang barangay ni Llorente pagdating sa usapin nang illegal drugs. Paging PDEA Chief Arturo Cacdac, Sir!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat din magkaroon ng ‘random’ drug test sa mga miembro ng burongoy kawatan dyan sa barangay ni Jimmy Boy para mabuko kung sino ang adik sa kanila.

“Ano ang masasabi mo Jimmy Boy ok ba sa’yo ito?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang barangay ni Llorente ang isa sa pinakamalaking barangay sa Manila maraming botante at pamilyang nakatira dito kaya malaki ang funding nito from the local government. Take note, SILG Mar Roxas, Your Honor!

‘Ang problema nga lang wala pa rin ilaw ang ibang lugar at madumi pa rin ang ibang lugar ? sabi ng kuwagong pinosasan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Kung totoo ito asan ang pondo?’

‘Kamote, iyan ang itanong mo sa mga burongoy kawatan.’ sagot ng kuwagong binukulan.

Kambiyo isyu, bumalik sa  Barangay 182,Zone 16 ni Chairman Jimmy Llorente sa Gagalangin Tondo, Manila,  ang ‘lukaret’ na sumapak sa tenga ng isang menor de edad na bata pobreng alindahaw matapos itong bitbitin ng pulisya the other week kaya pagalagala na naman ito ngayon sa kanyang pugad.

‘Ano kaya ang magiging aksyon dito nina Llorente?’ tanong ng kuwagong hilo.

Sabi nga, kumilos na kayo baka manakit na naman iyan ng bata at hindi ninyo mapigilan ang gulong maaaring mangyari sa barangay mo Llorente;

Ika nga, walang taguan - pong?

Abangan........magkano kaya ang koleksyon ng burongoy kawatan weekly sa pasugalan at droga’

‘Llorente hindi mo ba alam ang nangyayari sa barangay mo?’ tanong ng kuwagong binukulan.

Sana talasan mo ang tenga mo at mata....sangkaterba pa naman ang kabataan dyan baka mapariwara sila sa droga at sugalan.

Ika nga, ipahuli mo!

Abangan.

Informal settlers at basura sa sementeryo

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hangga’t  walang mabigat na batas para parusahan ang madlang people na mahilig magtapon at magkalat ng kanilang basura ay hindi sila hihinto sa kanilang kababuyan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hi-tech na ang madlang pinoy pero up to now ay wala pa rin silang disiplina sa kanilang sarili.

Sabi nga, tapon dito, tapon doon!

“Makikita ang ginawa ng ilang Pinoy sa mga pununtahan nilang sementeryo na halos masira ang ulo ng mga maglilinis dahil sa grabeng tambak na basura ang nakuha nila.’ sabi ng kuwagong baboy.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa pang pinagtatakhan nila kung bakit may mga informal settler ang nakapatong o nakatira sa itaas ng mga nitso at paligid ng sementeryo.

‘Imposibleng makatirik sila ng bahay-bahayan ng walang nagbigay sa kanilang ng ‘blessing’ na manatili sa sementeryo.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na kailangan pang inguso ang mga informal settler na nagtirik ng bahay sa loob ng sementeryo dahil alam naman ng mga administrador dito kung sinu-sino sila at kung nasaan sila.

Abangan.

Show comments