MAY katwiran na umalma ang mga lehitimong brokers at importers sa kuta-kuta system sa pagsasauli ng mga empty container sa kaharian nina Bureau of Customs “Hugas Kamay” Commissioner John Sevilla at Philippine Port Authority “Kabig ng kabig” General Manager Juan Sta. Ana. Paano nga kasi, abot langit na ang gastusin sa paglalabas ng kargamento sa Manila South Harbor at Manila International Container Port sa mga shipping lines company. Ang padulas na obligasyon sa mga alipores ni Hugas Kamay Sevilla at siyempre hindi pahuhuli riyan ang buwitre na mga staff ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa.
Ang siste mga suki ay ganire ipinaliwanag ng aking mga kausap. “Hanggang ngayon walang pagbabago na ginagawa ang mga port operator ng (ICTSI & ATI) para mapabilis ang paglabas ng mga containers, may kotongan sa loob ng yarda ultimo mga guard kumikita mula sa pila ng truck para makasingit. Kulang sa equipment, madalas pa nawawala sa location ang container na kapag tinawagan mo ang operation nila laging busy, pag nakontak naman panay dahilan”. Hehehe! Malinaw na pambabaraso ito mga suki!
“Ginagawa na talagang negosyo ang storage at demmurahe ng mga operator (ICTSI & ATI), walang pagbabago puro papogi lang sa media pero sa katotohanan walang pagbabago lahat gusto kumita, pati mga shipping lines halos triple ang tinaas, tulad na lang nitong Evergreen Lines na umaabot sa P49,580.00 ang binayaran sa 40ft na dating P15,000 lang, ang masakit nito hindi sila nagbibigay ng complete datails sa binayaran na charges. May container deposit pa na P12,000, ganun din itong Maersk Lines hindi rin naka-itemize ang mga binabayaran at ang laki pa ng demmurage charges nila.
Ang Maersk Lines na yata ang may pinakamalaking charges na shipping lines. Bago mabawi yung P12,000 kailangan masauli muna ang empty container, kaso pahirapan ang pasasaulian kaya kailangan maglagay sa operation para malapit lang sulian kasi nga, pag wala bigay o lagay sa Batangas o Cavite ka dadalhin yari na naman ang importer dagdag gastos nanaman. Ang masakit pag di nagdagdag ang importer sa trucking fees hindi masasauli ang container may charge ulit ang shipping lines detention naman hangga’t hindi nasasauli ang container, ubos na ang container deposit mo may kulang ka pa sa shipping lines, kayat sa susunod mong parating hindi ka papayagang mag-transact sa kanila hangga’t hindi bayad ang utang. Hindi naman kasalan ng importer kung walang yarda ang shipping lines, hays kawawang importer”. Pauna palang yan mga suki! Abangan!