‘Pakikisawsaw at pagtu-tsubibo ng Senado’
HABANG papalapit ng papalapit ang eleksyon, mara-ming mga isyu ang naglalabasan. Kaniya-kaniyang kalkal ng baho ang mga pulitikong may ambisyon at nag-aasam ng pwesto sa 2016.
Ang taumbayan, natu-tsubibo sa mga balitang naglalabasan. Hindi na alam kung ano ang totoo at kasinunga-lingan. Habang ang mga “nagpapabida” at “naggagaling-galingan” kwestyunable naman ang karakter at integridad.
Kaya sa mga “basura” sa ere mapa-telebisyon, radyo at dyaryo, kung hindi magiging mapanuri at maanalisa, tiyak malalason ang isipan ng publiko.
Kapansin-pansin na kapag may pumutok na isyung nasyunal, unang-unang nanghihimasok at nakikisawsaw ang Senado para mag-imbestiga. Na kung tutuusin, trabaho ito ng hukuman.
Sa mga Senate hearing, kapag ikaw ay inimbita-han, witness man, resource person o mismong inaakusahan, ang turing agad sa’yo, kriminal.
Mas mabuti pang sa hukuman, binibigyan ang isang indibidwal ng pagkakataong magpaliwanag. Samantalang sa Senado, para bang tinanggalan ka na ng karapatan. Kung sa usaping legal, “you are guilty until proven innocent.”
Tulad nalang ng nakasalang ngayon sa Senate Blue Ribbon Committee, ang imbestigasyon sa umano’y tagong hacienda ni Vice President Jejomar Binay. Andyan din ang umano’y overpriced Makati parking building na hindi pa rin natatapos.
Paglilinaw lang, wala akong pinapanigan o pinapa-boran sa kolum kong ito.
Kung mapapansin, puro lang simula ang mga imbestigasyon sa Senado. Na sa sobrang dami ng mga kontro-bersiya, nakalimutan na ang “tagong-yaman” ni PNP Chief General Alan Purisima. Malapit na ring mabaon sa kalimot ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ang mga sikat na “personalidad” na pilit pinalutang at inobligang magsalita sa Senado noon, hindi na napag-uusapan ngayon. Kung buhay man o patay na sila, ewan natin, wala na yatang may interes pa at gustong makaalam.
Hindi pa diyan kasama ang mga malalaking krimen, isyu sa agrikultura at iba pa na minsan ring isinalang sa senado pero sinimulan lang at hindi rin tinapos.
Ngayon pinangangambahan naman ng mga ‘epalogs’ ang pagpasok ng Ebola virus sa bansa. Pati yata ang medical community gusto ring imbestigahan ng mga “imbestigador.”
Ang punto dito, maraming mga isyu ang mga naglalabasan at maglalabasan pa. Lagi kong sinasabi sa aking programang BITAG Live na huwag agad magpapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ng mga pulitiko. Bagkus laging mag-analisa. Dahil gusto nila na maniwala ang publiko sa kanilang mga sinasabi at manatili ang tao sa estadong istupido.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest