Iresponsableng public official

TANONG ng barbero kong si Mang Gustin: “Dapat bang pagkatiwalaan si dating Makati vice Mayor Ernesto Mercado?”

Batay sa mga nabatid natin, kuwestyonable ang reputasyon ni Mercado bilang public servant. Bakit?

Nang Vice Mayor pa siya ng Makati at Mayor si Vice President Jejomar Binay, Si Mercado umano ang kumontrata sa proyektong Makati Homeville. Ito ay 40-ektaryang relocation site na pag-aari ng Makati sa Calauan, Laguna. Si Mercado ang namumuno sa Twin Leaf Group, Inc., ang kontratista sa first phase ng Makati Homeville mula 2008 hanggang 2010.

Conflict of interest ito sa panig ni Mercado.  Porke siya ang Bise Alkalde ay in-award niya ang proyekto sa kanyang sarili,  ganun ba?

Nagtayo ang Twin Leaf ng health center, dalawang public school buildings at covered court nang walang  building permit mula sa Calauan local government. Nang matalo si Mercado sa pagka-Alkalde noong 2010, inabandona niya ang proyekto. Ang mga benepisyaryo ay mabitin na walang kuryente, tubig at iba pang pangangailangan.

Noon lang isang linggo matapos ang apat na taon umaksyon ang Makati government para ituloy ang nabiting proyekto.

Ayon kay Engr. Peter Dizon ng Department of Engineering and Public Works, itatayo na ng Meralco ang mga electric posts, transformers at cable simula sa papasok na linggo matapos makakuha ng  Fire Safety Inspection Certificate at Certificate of Final Electrical Inspection mula sa pamahalaan ng Calauan. Ani Dizon,  ang pagkaantala sa paglalagay ng elektrisidad ay dahil sa aniya’y criminal negligence ng  Twin Leaf Group ni Mercado.

Ayon naman kay Engr. Geronimo Comaling, ng Survey and Land Improvement Section ng DEPW, bumilang ng taon para ituwid ang kapalpakan ng Twin Leaf matapos aprobahan ng Calauan government ang alteration plan ng DEPW noong Pebrero 2014.

Samantala, ang supply ng tubig sa mga residente ay mula sa  Laguna Water District.  Tingin ko lang, ang pagabandona ni Mercado sa proyekto matapos matalo sa pagka-Mayor ay matatawag na rurok ng pagiging iresponsable.

Ayon sa Makati Social Welfare Department (MSWD), ang mga residente  ay tinulungan ng pamahalaan lungsod sa agricultural livelihood gaya ng pagtatanim ng  cassava, mane at kamote.

 

Show comments