^

PSN Opinyon

Patuloy na salot

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Huwebes ng umaga, namuno ang Quezon City Police District Anti-Illegal Drug Task Force sa pagsalakay sa isang hinihinalang “shabu tiangge” sa Bgy. Sto. Domingo, Quezon City. Labintatlo ang inaresto. Nadiskubre ang ilang gamit pandroga, pati na rin ang mga pakete na hinihinalang shabu. May marijuana ring nakita. Halos P500,000 ang halaga ng droga at kagamitan na nakuha sa bahay. Ang bahay ay nagsisilbing lugar na rin para sa mga gumagamit ng iligal na droga. Beinte pesos ang bayad para makapag-“session”. Bukod sa pagpapaupa ng bahay, nagsisilbing tiangge na rin para sa shabu at marijuana.

Patunay ito na laganap pa rin ang iligal na droga sa siyudad, kahit tila linggo-linggong may nagaganap na pagsalakay sa mga nagtutulak ng droga, pati na rin mga gumagamit. Nahihirapan ang mga otoridad dahil kahit nahuhuli ang mga nagtutulak, hindi nila isinisiwalay ang kanilang supplier. Maaaring takot at baka buweltahan ang kanilang mga kapamilya kapag nakipag-ugnayan na sa mga pulis. Kaya kahit nahuhuli ang mga dealer, buhay na buhay pa rin ang operasyon ng supplier dahil hindi naman mauubusan ng mga nagtutulak at madaling kumita sa ganitong iligal na pamamaraan, huwag lang mahuli.

Kailangan malaman ang supplier ng mga iligal na droga. Ayoko namang isipin na alam naman ng mga otoridad pero hindi inaaksyunan dahil masyadong makapangyarihang tao o organisasyon, o mas masama, kasama rin sila sa payroll at ang mga hinuhuli lamang ay para makita ng publiko na may nagagawa sila. Sa panahon ngayon, malakas pa rin ang kapangyarihan ng pera. Maraming natutukso nito, kahit ang pinakatapat at prinsipyong tao ay nasisilaw kapag malaking pera na ang kaharap.

Naging matagumpay ang operasyon sa tiangge sa Quezon City dahil nakipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mga otoridad. Sila ang nakapansin sa tila labas-pasok ng mga kilalang adik sa komunidad, kaya ipinaalam sa mga otoridad. Binantayan ng isang buwan bago kumilos, para makasiguro maayos ang kanilang pagsalakay. Maganda naman ang naging resulta. Kaya hindi pwedeng maliitin ang magagawa ng mga mamamayang may malasakit sa lipunan. Kapag may napansing kahina-hinala, ipaalam kaagad sa mga otoridad. Maging matagumpay na sana ang ating laban sa iligal na droga na salot sa lipunan.

AYOKO

BEINTE

BGY

BINANTAYAN

BUKOD

DRUG TASK FORCE

KAYA

QUEZON CITY

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with