INAMIN ng isang doctor na talagang mahirap labanan ang nakakamatay na Ebola virus na kumitil na ng mahigit 4,000 na buhay sa Africa. Umabot na rin ito sa United States na kung saan unang naitalang namatay ay ang isang Liberian na si Thomas Eric Duncan noong October 8.
Walang tigil ang Center for Disease Control ng America sa pagbigay ng updates sa kalagayan ng dalawa pang nurses na sinabing tested positive of Ebola pagkatapos ng kanilang exposure kay Duncan.
Nahirapan nga ang US kung paano sugpuin ang Ebola gayong positibo na itong nakarating na nga sa kanilang bansa.
Sinabi ng CDC officials na kaya na-infected din ng Ebola ang dalawang nurses ay dahil nga raw nagkaroon ng breach in protocol sa pag-alaga kay Duncan.
Ngunit nagrereklamo rin ang ibang mga doctor sa America dahil nga kung ano ba talaga ang protocol sa pag-alaga ng isang may Ebola, maliban sa isolation.
Ano ba talaga ang universal protocol in addressing Ebola?
Iyon na nga at mukhang wala pa hanggang ngayon.
Eh, hindi nga alam ng US paano puksain ang Ebola.
Ang tanong ngayon ay kung handa ba ang ating bansa sa ganung kaso ng karamdaman.
Paano ba gagamutin ang isang Ebola patient? Paano kung darami na ang explosed dito at marami na rin ang infected?
Kaya ba ng ating mga hospital at ng Department of Health ang paggamot sa mga Ebola patients.
Iyon na nga ang sabi ng isang doktor na nakausap ko.
Na hindi nga natin kaya ang isang epidemya gaya ng Ebola.
Patuloy ang efforts ng American government na ma-contain ang Ebola exposure sa US. At ang higit na pangangambahan natin ay kung patuloy din ang malawakang pagkakahawa ng maraming tao sa nakakamatay na sakit na ito.
Dapat na ring kumilos ang ating pamahalaan sa problemang ito bago pa man mahuli na ang lahat.