AYON sa World Bank, ang malawakang korapsyon ang sanhi ng joblessness sa bansa. Ang pera na dapat ibinubuhos ng gobyerno sa job creating projects ay binubulsa ng mga tiwaling pulitiko.
Kung magiging President si Vice President Jojo Binay o kaya’y si Mar Roxas sa 2016, matutuldukan kaya nila ang malawakang korapsyon? Siguradong hindi. Si Binay ay malamang na makulong dahil sa tibay ng mga ebidensIya ng plunder laban sa kanya. Si Mar naman bagama’t mukhang hindi corrupt ay magiging Presidente lamang sa tulong ng corrupt na Liberal Party. Tao lamang si Mar, hindi maaaring hindi siya tatanaw ng utang na loob sa mga kapartido niya. Kaya alin man sa dalawa ang maging Presidente, siguradong tuloy ang korapsyon, joblessness at kahirapan sa bansa.
At tungkol naman sa kontraktuwalisasyon. Abogado si Binay at alam niya dapat na labag ito sa security of tenure clause ng Constitution at Labor Code. Naging mayor siya ng Makati mula 1986 tapos pinalitan siya ng kanyang asawa at pati ng anak niya. May ginawa ba sila laban sa bawal na kontraktuwalisasyon? Walang-wala!
At si Mar Roxas naman, ano ang nagawa? Wala rin. Malaking pugad ng kontraktuwalisasyon ang Cubao na kinaroroonan ng mga negosyo na pag-aari ng kanyang pamilya na nagpapairal ng five months contracts.
So, sino ang aasahan natin na makahahango sa uring manggagawa sa 2016? Si Grace Poe kaya? Mukhang hindi dahil ang partido niya ay ang corrupt na Liberal Party.
Si P-Noy kaya? Parang gusto niyang magpa-reelect. Ok sa akin basta gawin niyang plataporma ang mga adhikain ng ROSE Movement na aking itinatag. Ang hangarin ng ROSE ay tuldukan ang kontraktuwalisasyon at korapsyon. Pero may question mark din siya. Miyembro ng Gabinete niya si VP Binay pero bakit hindi pa niya sinisibak? Ano pa ang hinihintay niya?
Einstein said: “The world will not be destroyed by those who do evil but by those who watch and do nothing.”
Let us do something! Join the ROSE Movement! Please text or call: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart) and 09772010326 (Globe) or email: han_sen703@yahoo.com and visit our Facebook page at www.facebook.com/rosemovementph