^

PSN Opinyon

Collapsable tent at quota system sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ITSINISMIS ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na naglagay ng ‘collapsable tent,’ o isolation room na puedeng magkasya ang mahigit 100 madlang people sa isang place sa pagitan ng NAIA ‘worst airport’ terminal 2 and 3 para magamit ito ng mga passengers coming sa mga place na may Ebola case.

Sabi nga, upang ma-monitor kung may problema sila sa pinag-uusapan natin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si MIAA assistance general manager for operations Ric Medalla ang nagsabing may shuttle bus ang paliparan para sumundo sa mga passenger from the aircraft papunta sa  ‘collapsable tent’ o isolation room para eksaminin sila kung may quezo de bola este mali Ebola virus pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi bago ang proyektong ito dahil noon pang 2002 ginagamit ito ng medical team sa mga passenger na hinihinalang may Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS. 

Ayon sa mga dalubhasa sa buong mundo, hindi biro ang sakit na ito dahil ang ‘ebola virus’ ay isang  matinding sakit na nakakahawa at nakakamatay wala pang gamot na natutuklasan ang mga expert na puedeng magpagaling sa tinamaan ng sakit na ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang singkamas este sintomas pala na tinamaan ng Ebola ay ang pananakit ng ulo, grabeng panghihina, masakit na lalamunan, nagdurugo ang ilong, lagnat at pananakit ng muscle at joints.

‘Paano ito nakakahawa?’

Sagot -  iyong mga ginamit nang may sakit tulad halimbawa ng mga utensil na ipinagamit dito o direct contact sa mga may sakit na nagpabaya sa kanilang sarili!

Ika nga, kailangan ng pagiingat!

Kambiyo issue, pinatigil ni Medalla ang nabuko nitong ang sistema ng pitsaan sa mga porter sa NAIA ‘worst airport’ terminal 1.

Sabi nga, ‘baggage quota’ system ang tawag sa kuartahan blues!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pinaiiral na ‘baggage quota’ system diumano ng mga bright sa kumpanya ng mga porter na nag-uunahan ang mga ito at nag-aagawan ng pasahero para makaabot sa 45 bagahe na sinasabing quota nila everyday and holidays at kung hindi ka aabot tiyak isang bulig o P1,000 ang multa ng mga pobreng alindahaw?

Naku ha!

Totoo kaya ito?                                                                                   

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuking ni Medalla ang katarantaduhan ‘baggage quota’ system ng may mag- tsutsu kaya naman ipinatitigil niya sa may hawak na airport porterage operation ang pinaiiral na system.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sumasahod lamang ang mga porter sa NAIA ng P466.00 daily kaya kung hindi sila makaka-quota paano at saan sila kukuha ng P1,000 penalty para sa ‘baggage quota’ system?

Abangan.

AYON

EBOLA

MEDALLA

NAKU

RIC MEDALLA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with