WALA sa dictionary ang salitang “cujjucumm”. Inimbento ko lang ito. Ang cujjucumm ay mga first letters ng mga bumubuo ng 50 milyong puwersa ng manggagawa o labor force ng bansa. Sila ay ang mga: contractuals; underemployed; jobless; j.o’s; underpaid; at mangingisda/magsasaka. Sa madaling salita cujjucumm.
Lugmok sa paghihikahos at kahirapan ang mga cujjucumm: 5 milyon ay mga contractuals na labag sa security of tenure clause ng Constitution; 18 million ay underemployed; 13 million ay jobless; 3 million ay j.o’s; milyon ay mga underpaid; 10 milyon ay mga exiled OFWs; milyon ay mga kinalimutang mga mangingisda at magsasaka.
Walang pagkakaiba ang mga kalagayan ng mga cujjucumm sa kalagayan ng Israelites sa Egypt noon na nagkaisa at itinawid ni Moses sa Red Sea sa tulong ng Diyos.
Nasa pagkakaisa ng mga cujjucumm ang pagasa na ang mga contractual; casuals; at j.o’s ay maging regular na; ang mga jobless ay magkatrabaho; ang mga OFWs ay makauwi na sa piling ng mga mahal sa buhay; ang mga magsasaka, mangingisda, underemployed at underpaid ay maalalayan ng estado na magkaroon ng kinikita na sapat ikabuhay at iba pa.
Kaya sinasalaula ang uring manggagawa ng mga naghaharing uri sa ating bansa ay dahil ang mga cujjucumm ay hindi pa nagkakaisa. Alisin natin ang ating mga tanikala.
Hinihimok ko ang 50 milyong cujjucumm na magkaisa at humingi ng tulong sa Diyos na hanguin na sila sa matinding paghihirap. Kung ang mga Israelite noon sa Egypt na 600,000 lamang ay dininig ng Diyos, ang 50 milyong cujjucumm pa kaya?
Ang Diyos ng mga Israelite at mga cujjucumm ay iisa lamang. Siya ‘yung Diyos nina Abraham at Jacob na Diyos din nating lahat. Siya ;yung Diyos na tinutukoy natin na “Our Father who art in heaven” na isang dasal na itinuro sa atin ni Panginoong Hesukristo. Siya rin ang Diyos na tinutukoy ng mga kapatid nating Muslim na si Allah.
Hinihimok ko ang lahat ng cujjucumm na sumali at magkaisa sa itinatag kong Respect Our Security of Employment (ROSE) Movement. Para sa mga detalya, mag-text sa: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph