^

PSN Opinyon

Cujjucumm

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

WALA sa dictionary ang salitang “cujjucumm”. Inimbento ko lang ito. Ang cujjucumm ay mga first letters ng mga bumubuo ng 50 milyong puwersa ng manggagawa o labor force ng bansa. Sila ay ang mga: contractuals; underemployed; jobless; j.o’s; underpaid; at mangingisda/magsasaka. Sa madaling salita cujjucumm.

Lugmok sa paghihikahos at kahirapan ang mga cujju­cumm: 5 milyon ay mga contractuals na labag sa security of tenure clause ng Constitution; 18 million ay under­employed; 13 million ay jobless; 3 million ay j.o’s; milyon ay mga underpaid; 10 milyon ay mga exiled OFWs; milyon ay mga kinalimutang mga mangingisda at magsasaka.

Walang pagkakaiba ang mga kalagayan ng mga cujju­cumm sa kalagayan ng Israelites sa Egypt noon na nagkaisa at itinawid ni Moses sa Red Sea sa tulong ng Diyos.

Nasa pagkakaisa ng mga cujjucumm ang pagasa na ang mga contractual; casuals; at j.o’s ay maging regular na; ang mga jobless ay magkatrabaho; ang mga OFWs ay makauwi na sa piling ng mga mahal sa buhay; ang mga magsasaka, mangingisda, underemployed at underpaid ay maalalayan ng estado na magkaroon ng kinikita na sapat ikabuhay at iba pa.

Kaya sinasalaula ang uring manggagawa ng mga naghaharing uri sa ating bansa ay dahil ang mga cujjucumm ay hindi pa nagkakaisa. Alisin natin ang ating mga tanikala.

Hinihimok ko ang 50 milyong cujjucumm na magkaisa at humingi ng tulong sa Diyos na hanguin na sila sa ma­tinding paghihirap. Kung ang mga Israelite noon sa Egypt na 600,000 lamang ay dininig ng Diyos, ang 50 milyong cujjucumm pa kaya?

Ang Diyos ng mga Israelite at mga cujjucumm ay iisa lamang. Siya ‘yung Diyos nina Abraham at Jacob na Diyos din nating lahat. Siya ;yung Diyos na tinutukoy natin na “Our Father who art in heaven”  na isang dasal  na itinuro sa atin ni Panginoong Hesukristo. Siya rin ang Diyos na tinutukoy ng mga kapatid nating Muslim na si Allah.

Hinihimok ko ang lahat ng cujjucumm na sumali at magkaisa sa itinatag kong Respect Our Security of Employment (ROSE) Movement. Para sa mga detalya, mag-text sa: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph

ANG DIYOS

CUJJUCUMM

DIYOS

HINIHIMOK

OUR FATHER

PANGINOONG HESUKRISTO

RED SEA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with