^

PSN Opinyon

Panlalamang kay Misis ay hindi puwede

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

BAGO nag-epekto ang New Civil Code noong August 30, 1950, may kapangyarihan ang mister na ibenta ang pag-aari nilang mag-asawa (Art. 1413 Old Civil Code). Ito ang ibig gamitin ni Bert sa kasong isinampa ng asawa niyang si Mercy.

Sina Mercy at Bert ay ikinasal bago pa magkaroon ng epekto ang New Civil Code noong Agosto 30, 1950. Noong ikinasal sila, maraming nakuhang ari-arian ang mag-asawa lalo ang mga parsela ng lupa sa kanilang kinalakhang probinsiya na bunga ng magkatuwang nilang sikap at tiyaga. Nalango sa tinatamasang tagumpay, nag-umpisang magpasarap-buhay at mag”gudtaym” si Bert. Hindi nagtagal, nakipaglive-in na siya sa kanyang kalaguyo at inumpisahang ipagbebenta ang kanilang ari-arian nang hindi nalalaman ni Mercy. Kabilang sa kanyang mga nabenta ay dalawang lote na malapit sa kanilang bayan, kalahating parte ng lote bilang 10375 kay Emilia noong Agosto 1951 at ang kabuuan naman ng lote bilang 7924 kay Pedro noong Disyembre 1951. Ang dalawang bentahan ay nangyari noong umiiral na ang bagong batas.

Nang malaman ni Mercy ang tungkol sa pambababae ng asawa at iba pang kalokohan na ginagawa nito, hiningi niya sa korte na siya ang gawing administrador na mamamahala sa kanilang ari-arian imbes na si Bert ang humawak nito.Nang pagbigyan ng korte ang kanyang petisyon, agad nagsampa ng kaso sa korte si Mercy para mabawi ang mga lupang ibinenta ng asawa kina Emilia at Pedro. Katwiran ni Bert, dahil hindi pa naman umiiral ang bagong batas noong makuha nila ni Mercy ang mga lupa, dapat sundin ang lumang batas na nagdidikta na ang asawang lalaki ang may karapatan na ibenta o idispatsa ang mga lupa kahit walang anumang permiso galing sa kanyang asawa. Ayon din sa kanya, legal naman ang nangyaring bentahan. Tama ba si Bert?

MALI. Kahit sabihin pa na hindi kailangan ang pahintu-lot ng misis sa mga transaksiyon ng bentahan ni mister, na binili bago mapatupad ang New Civil Code noong Agosto 30, 1950,   hindi ibig sabihin nito na lubos ang kapangyarihan niya na ibenta ang lupa. May mga limitasyon ang kapangyarihang ito. Una sa lahat, hindi puwedeng maargabyado ang kanyang asawa at mga anak. Isa pa, kapag hindi alam ng misis ang nangyaring bentahan, malinaw at ipagpapa-lagay na may lokohang nagaganap laban sa babae.

Ang mga ari-arian ng mag-asawa o ang tinatawag na “conjugal properties” ay pag-aari nilang dalawa at anumang bentahan na hindi pinaaalam kay misis ay malinaw na panlalamang sa kanya.

Inaalisan kasi siya ng ka­rapatan sa bahagi o sa mismong kabuuan ng kanyang parte kaya dapat lamang mapawalang-bisa ang bentahang ito. (Villacino vs. Dayon, 18 SCRA 1094)

AGOSTO

ASAWA

BERT

EMILIA

NANG

NEW CIVIL CODE

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with