^

PSN Opinyon

Gatas ng ina para bata’y tumalino at lumakas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Department of Health, mas masustansya ang gatas ng ina kumpara sa ordinaryong gatas. Sa wikang Ingles, “Breastmilk is better than cow’s milk.” Dahil dito, hinihikayat ng DOH na unahin ang pagpapa-breastfeed ng sanggol. Sa unang oras ng panganganak, dapat ipa-breastfeed na ang sanggol ng kanyang nanay. Maraming benepisyo ito:

Sangkap ng gatas ng ina:

Ang breastmilk ay may fats, protina, carbohydrates at minerals tulad ng calcium, phosphorus, sodium at potassium. Bukod dito, mayroon din itong panlaban sa sakit tulad ng IgA at IgG na espesyal na sangkap ng breast milk (na wala ang infant formula milk).

Benepisyo sa sanggol:

1. Napatunayan na nang maraming pag-aaral na talagang panalo ang gatas ng ina kumpara sa breast milk.

2. Ang gatas ng ina ay may sangkap na antibodies tulad ng IgA at IgG na nagpapalakas ng immune system ng bata.

3. Ang colostrum o “unang gatas” ng nanay ay napakasustansya. Tumatapal ito sa sikmura ng sanggol para hindi siya tamaan ng bacteria at allergy.

4. Sa breastfeeding, mababawasan ang pagtatae at pagsusuka ng bata. Hindi ito katulad ng gatas sa bote na hinahaluan pa ng tubig na posibleng kontaminado ng bacteria. Malinis pa ang suso ng nanay kumpara sa bote.

5. Sa breastfeeding, mababawasan ang pagkakaroon ng hika, ubo, pulmonya, allergy at eczema. Makaiiwas din sa pagkasira ng ngipin.

6. Mas matalino ang bata na nagpa-breastfeed. Ayon sa pagsusuri, tataas ang kanilang pagkatalino ng 10 to 12 IQ points.

 

Benepisyo sa nanay:

1. Kapag nagpapadede ang nanay, hindi siya agad mabubuntis.

2. Ang nanay ay magiging mas malapit sa kanyang anak. Kakaiba ang kanilang bonding.

3. Mas sumasaya ang nanay habang nag-breastfeeding, dahil naglalabas ng endorphins o happy hormones ang kanyang katawan.

4. Malaki ang matitipid ng pamilya sa breastfeeding. Libre ang gatas ng ina. Ang gastos mo lamang ay ang mga pagkaing kakainin ng nanay.

May dagdag benepisyo pa ang breastfeeding sa ating komunidad. Kapag hindi magkakasakit ang mga bata, mas makakatipid ang pamilya at ang gobyerno.

Kaya sa mga nanay at tatay, subukan ninyong i-breastfeed ang inyong magiging anak. Makaiiwas siya sa maraming sakit. At makatitipid pa kayo. Good luck po!

vuukle comment

AYON

BENEPISYO

BREASTMILK

BUKOD

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

GATAS

KAPAG

MAKAIIWAS

NANAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with