SI Jun Abaya ang kasalukuyang Secretary of Transportation and Communications. Nasa ilalim ng kanyang pamamahala ang Manila International Airport Authority na pinamumunuan naman ni retired General Jose Honrado.
Noong Setyembre 15, 2014, nag-issue ang MIAA ng Circular na nag-uutos sa mga airlines at travel agencies na isama sa halaga ng airline tickets ang P550.00 na airport terminal fees. Tinutulan ito ng OFWs dahil sila ay exempted sa pagbabayad ng terminal fee ayon sa Republic Act 10022.
Parang nagkaroon ng bushfire sa internet nang libu-libong OFWs ang galit na nagpahiwatig ng kanilang pagtutol sa Circular. At may maliwanag na katwiran ang OFWs. May batas na nga naman na nag-uutos na libre ang mga bagong bayani ng bansa sa pagbabayad ng airport terminal fees bakit naman ibabalewala ito ng MIAA sa pamamagitan ng Circular lamang. Ang paliwanag naman ng MIAA ay ire-refund naman daw ang nakolektang terminal fee kapag nagpakita ang OFW ng Overseas Employment Certificate (OEC).
Nang magkita kami ni Abaya sa plenary budget hearing sa Kongreso noong nakaraang linggo, nag-usap kami, abogado sa abogado. Sinabi ko sa kanya na hindi maaring singilin ang OFWs ng airport terminal fees dahil karapatan na nila yan sang-ayon sa batas. Kahit pa mag-refund pa ang MIAA ng doble doble ay hindi ito makagagamot sa violation sa batas. Kung sa Latin pa, fait accompli na. Nagawa na ang illegality at hindi na ito maaring ituring na legal dahil sa refund.
Madaling naunawaan ni Abaya ang sitwasyon at agad inutusan ang MIAA na ipagpaliban muna ang implementasyon ng Circular hanggang November 1, 2014. Hindi lang magiting at maginoo itong si Abaya, very decisive pa.
Inaasahan kong tuluyan nang ibabasura ni Abaya ang MIAA circular otherwise baka sila ni Honrado at airline at travel agencies ay masampahan ng kaso ng OFWs sa Ombudsman for “wilfully, deliberately and wantonly violating their right under Republic Act 10022”.