^

PSN Opinyon

David vs Goliath

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG pagharap sa Senado o sa House kapag may hearing ay isang “rite of passage” para sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan. Kahit saan ka ma-appoint, dadating ang panahon na haharap ka sa mga senador o kongresista. Maging tungkol sa budget ng tanggapan mo o sa mga gawain na nais suriin ng mga mambabatas na may karapatan ding magtanong bilang kinatawan ng bayan.

Karaniwan ay nakasisindak humarap sa mga mapa­nuring mambabatas. Ang turing tuloy sa ganitong sitwasyon ay para kang pumasok sa lion’s den o para kang si David na humarap kay Goliath. Sinumang nakaranas na ng makadalo sa hearing – sasabihin sa iyo na mas masahol pa raw ito sa pagbubuntis at pagluwal ng sanggol.

Nakakanerbiyos naman talaga, lalo na kapag naimbitahan ka dahil may anomalyang kinasangkutan. Automatic yan – pag pinatawag ka, ibig sabihin handa ang mga mambabatas sa kanilang mga tanong. Minsan ay maaawa ka sa mga nagkakabulol-bulol na sagot ng mga testigo. Pero hindi talaga maaaring takasan ang pagsuri. Kahit sinong lingkod bayan ay may obligasyong maging transparent sa lahat nang gawain.

Kahapon ay humarap si PNP General Alan Purisima sa Senate Committee Hearing na pinatawag ni Senator Grace Poe. Ang buong command ng ating kapulisan, suot ang kanilang magagarang uniporme, ay dumalo at sinubukang ipaliwanag ang kontrobersiyal niyang tinitirahan na White House; ang hindi maawat na pagtaas ng bilang ng mga krimen at ang modernisasyon ng PNP.  Kung karaniwan ay parang David ang mga testigo at Goliath ang mga Senador, kahapon ay nabaliktad dahil kung sa hitsura ang pag-uusapan, parang nene lang si Sen. Grace sa harap ng mga machong pulis. Subalit nang mag-umpisa na ang hearing, parang nag-iba ang anyo ng Senadora. Ang nene, sa isang iglap ay na­ging simbolo ng mamamayang umaasang mabigyan ng paliwanag at naging mukha rin ng lipunang handang panagutin ang mga nagkamaling opisyal.  Sulit talaga ang boto natin kay Senator Grace Poe.

Hindi rin maiwasan maisip na ang kanyang kaharap, ang chief PNP na walang pagod na pinagtatanggol at pinawawalang sala ng Presidente, ay ang bagong mukha ng administrasyon at ng kampanya tungo sa tuwid na daan.

vuukle comment

GENERAL ALAN PURISIMA

KAHAPON

KAHIT

KARANIWAN

MINSAN

SENATE COMMITTEE HEARING

SENATOR GRACE POE

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with