^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunugin daw ang basura

Pilipino Star Ngayon

PARA walang basurang magbabara sa mga daluyan ng tubig, kailangang sunugin ang mga ito. Ito ang bagong paraan na naiisip ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Ang paggamit daw ng incinerators para sunugin ang mga basura ang pinakamaganda at mabilis na paraan para maiwasan ang pagbaha. Basura raw ang nagiging dahilan nang pagbaha sa Metro Manila. Sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, bumabara ang mga plastic na basura sa mga imburnal at tumatagal doon sapagkat hindi ito natutunaw sa matagal na panahon. Sabi ni Tolentino, kung gagamit ng incine­rators, masosolb ang problemang baha. Kayang sunugin  ang lahat nang basura kung mag-iinvest ang pamahalaan sa incinerators.

Hinalimbawa ni Tolentino ang Sweden na hindi kailanman nagbaha sapagkat walang basura dahil incinerators ang ginagamit. Maging sa Japan at sa mga bansa sa Europe ay incinerators ang ginagamit kaya walang basura roon at wala ring baha. Wala raw usok ang ginagamit na incinerators sa Japan kaya hindi nagiging dahilan ng pollution doon. Sabi ni Tolentino, isusulong niya ang pagkakaroon ng incinerators sa bansa.

Hindi kami sumasang-ayon sa plano ni Tolentino na sunugin ang mga basura. Para sa amin, ang total ban sa paggamit ng mga plastic bag ang tamang solusyon para ganap na maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila at karatig probinsiya. Lubusang ibawal ang mga plastic bag at pawang supot na papel ang gamitin. Halos lahat nang lungsod sa Metro Manila ay pinagbawal na ang plastic bag. Bawal ang supot na plastic sa Muntinlupa City, Las Piñas, Marikina City, San Juan, Quezon City at Makati City. Ang Maynila na lamang ang hindi pa nagbabawal sa paggamit ng plastic bag. Kaya naman, namumutiktik ang basura sa mga estero sa Maynila.

Hindi kailangan ang incinerators para malunasan ang basura. Isa pa, bawal ang incinerators sa ilalim ng Clean Air Act of 1999. Bawal magsunog ng basura. Mas mabuti pa kung paiigtingin na lamang ng MMDA ang kampanya laban sa mga walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Hulihin at parusahan ang mga nagtatapon ng basura sa mga ilog, estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig.

vuukle comment

ANG MAYNILA

BASURA

BAWAL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CLEAN AIR ACT

INCINERATORS

METRO MANILA

SABI

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with