^

PSN Opinyon

‘Lunas hinugot sa Ugat’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MINSAN giba na ang kalooban na lumaban sa hamon ng buhay dahil nakikita mo wala na talagang magagawa. Ang iba gusto na lang umuwi para makasama ang kanilang pamilya at doon ilaan ang mga nalalabi nilang araw sa buhay. Matapos subukan lahat ng paraan na maibibigay ng siyensiya at medesina ipinasa  sa Diyos na lang nila ang kanilang kalagayan.

“Ayoko na. Lord, suko na ako. Pagod na ako. Kung kukunin mo yung anak ko, kunin mo na,” ito ang mga salitang nabigkas ni Cecil Arceo nung nakikipaglaban ang kanyang anak na si Marvin sa isang malubhang karamdaman.

Si Marvin, 27 taong gulang ay sa murang edad ay alam na ang pakiramdan ng nasa bingit ng kamatayan.

Panganay si Marvin, kaya naman inaasahan ng kaniyang mga magulang na pagkatapos nito sa kolehiyo ay makakatulong na nila ito sa mga gastusin sa bahay. Nang makatapos ito sa pag-aaral, agad siyang naghanap ng trabaho. Ngunit sa unang araw pa lang ay nakaramdam ito ng panghihina at nilagnat. Tumagal ng isang linggo ang kanyang sakit bago ito dinala sa ospital at nalaman na meron siyang  tuberculosis (TB) meningitis.

Ang sakit na ito ay ang pinaka delikadong uri ng TB. 

Ito rin ay tinatawag na TB sa utak, isang inpeksiyon sa membranes na bumabalot sa utak at spinal cord.

Halos isang taon ding namalagi sa ospital si Marvin. Nakaranas siya ng matinding pagkahilo, sakit ng ulo at pagsusuka. Hanggang sa ang kanyang paningin ay nawala na rin, hindi na nakakapag salita, na-stroke na naging dahilan ng hindi na siya nakalakad at wala na siyang nakikilala bukod sa kanyang mga magulang.

“Wala na kaming pag-asa. Tuwing nakikita ko siya umiiyak ako kasi dumating sa punto na pati kami ay di na niya nakikilala. Nabura ang mga memorya na nakatanim sa kanyang isip,” kwento ng kanyang ina.

Ito na ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang pamilya. Mas lalo siyang nanlumo nang sabihin sa kanya ng doktor na wala na raw siyang pag-asa mabuhay.

“Wala na raw akong pag-asa kaya mas maganda na iuwi na lang ako sa bahay para hindi na lumaki ang aming gastusin,” wika nito.

Hindi lamang si Marvin ang nakaranas ng ganitong hirap. Nasa ikatlong taon sa kolehiyo nang malaman ni Dina Barva na mayroon siyang malubhang sakit.

Taong 2006 nung tubuan siya ng mga bukol sa katawan. Noong una ang akala nito ay simpleng tigyawat lamang, ngunit habang tumatagal lumalaki umano ang pamumula nito, at matinding sakit ang dulot nito sa parte ng katawan na tinubuan.

Dinala si Dina ng kanyang ina sa iba’t ibang hospital, tulad sa San Mateo General Hospital, Provincial Hospital ng Malolos at ang huli sa Philippine General Hospital kung saan iba’t-ibang antibiotic umano ang pinainom sa kanyang anak ngunit wala namang nangyari at pabalik-balik pa rin ang mga bukol sa katawan nito.

Kwento ni Dina, nasa pang limang palapag ng gusali ang classroom nila kaya kinakailangan niyang humingi pa ng tulong sa kanyang mga kaklase upang akayin siya paakyat at pababa ng gusali. Dahil dito nararamdaman niya na nagiging pabigat na siya sa mga ito kaya nag desisyon siyang huminto na lamang sa pag-aaral.

“Alam niyo po noon, iniisip ko sana kunin na ako ng Diyos kasi parang wala po akong silbi, inutil at pabigat na lamang ako sa Mama ko,” wika nito.

Bakas sa mukha at sa tinig ni Dina ang hirap na pinagdaanan nito sa kanyang karamdaman habang sinasalaysay nito ang kanyang dinanas.

Sa Marvin at Dina ay dalawa lamang sa maraming may malubhang sakit sa ating bansa. Sinubukan na ang iba’t ibang paraan upang gumaling ngunit sa kakulangan sa pera ay pinili na lang na hintayin ang hanggang mawala na sila.

Hanggang sa isang araw may nagbalita sa kanila tungkol sa isang food supplement na nakakatulong sa may mga karamdaman na halos inayawan na ng doktor.

Sinubukan nilang inumin ang food supplement. Si Marvin, matapos ang tatlong buwan na pag-inom ay bumalik na ang dating lakas nito, unti-unti na ring bumalik ang kanyang katawan sa dating timbang at pagtagal ay nakakapag laro na siya ng basketball.

“Bless na bless talaga kami. Buti na lang hindi kami sumuko. Ngayon malusog na siya ulit, nakakakita na siya at bumalik na ang kanyang alaala,” sabi ni Cecil.

Sa kalagayan naman ni Dina, nung uminom siya ng food supplement na ito nawala umano unti-unti ang mga bukol sa kanyang katawan at nakakakilos na muli nang maayos.

Ang food supplement na tinutukoy nila ay ang REH King’s Herbal ni Ka Rey Herrera. Minsan na namin natalakay ito sa kaso ng isang opisyal ng Philippine National Police (NPA) na si Chief Inspector Norberto Sta. Maria na nakabuti sa kanyang karamdaman na diabetes.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kami ay tumutulong sa mga taong nangangailangan ng atensiyong medikal sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at karamihan sa kanila halos linggo-linggong bumabalik upang humingi ng karag­dagang tulong. Wala rin sigurong mawawala kung susubukan ang mga tinatawag na ‘natural cure’ mula sa ating kalikasan. Hindi naman ito nilikha para sa ating panlasa kundi meron itong katangian  o sangkap na makakatulong sa ating katawan. Lalong-lalo na ang mga ugat na nakabaon sa lupa na siyang nagbibigay ng buhay sa puno.

Kung ito’y epektibo kay Marvin at Dina, maganda ring subukan itong REH King’s Herbal ni Ka Rey Herrera at maging mabisa sa inyong mga karamdaman.

Dahil sa dami ng lumalapit sa kanila ngayon, ayon kay Ka Rey Herrera sila ngayon ay binansagang ‘World’s No. 1 Food Supplement’.

Sa mga karagdagang katanungan tungkol dito maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368. Pwede rin kayong dumiretso sa kanilang tanggapan sa #603 R&H bldg.,Quirino Highway, Bagbag, Novaliches. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected].

(KINALAP NI I-GIE MALIXI)

Hotlines: 09213263166, 09198972854 

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

www.facebook.com/tonycalvento

DINA

KA REY HERRERA

KANYANG

MARVIN

NITO

SI MARVIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with