HINDI lamang pala pagtataas ng presyo ng mga bilihin ang nararanasan natin sa ngayon matapos ang magkahitut-hitot ang kalakaran diyan sa Port of Manila. Maging pala ang mga imported na prutas na kinagigiliwan natin ay nagkakandabulok na rin sa pagkaka-storage sa loob ng mga container van, hehehe! Iyan ang hinaing na pinara-ting sakin ng mga mahihilig kumain ng mansanas, ubas at oranges na nabibili nila sa Divisoria. Malinaw na unti-unti nang lumalabas ang epekto ng congestion problem diyan sa South Harbor at Manila International Container Port. At dahil nga papalapit na ng papalapit ang kapaskuhan tiyak na magdadatingan na naman ang mga imported na prutas sa bansa dahil ito ang tinatangkilik na inihahanda sa Noche Buena at sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ngunit ang pinangangambahan nitong aking mga kausap tiyak na mas mataas ng mahigit ng may 300 porsi-yento ang halaga nito sa pamilihan. At hindi lamang presyo ang kinakatakutan nitong aking mga kausap dahil natitiyak nila na ihahalo ng mga tusong negosyante ang mga nabubulok na prutas sa mga bagong dating upang makabawi sa pagkalugi. Kung sabagay may katuwiran itong aking mga kausap dahil sa bawang pa nga lang ay naglalabasan na ang sintoma, kasi nga ang dating kulay puting-puti na bawang noon ay umabot sa P380 per kilo ngayon ay kulay brown na at hindi na makatas subalit sumadsad ang presyo sa P40 to P70.00 per kilo na lang. Patunay ito na unti-unti nang inilalabas ng mga tusong negosyante ang mga tinagong bawang noong bilang reaksyon sa ordinasa ng Manila City Hall sa truck ban, hehehe!
Subalit mula nang ikumpas ni Pres. Noynoy Aquino ang kanyang kinakalawang na kamay na bakal kay MMDA chairman Francis Toelentino at Sec, Jose Almendras sa port congestion, unti-unti nang lumuwag ang dibdib ng mga brokers, importers businessmen at trucking firms sa kaharian ni Hugas Kamay BOC Commissioneer John Sevilla. Paano nga kasi inalis na ang truck ban sa kaharian din nina Mayor Erap Estrada at Boy Sita/Boy Hatak Vice Mayor Isko Moreno na nagpaluwag sa pagpasok at paglabas ng mga kargamento sa South Harbor at MICP. Ngunit kung saan naluwag na trucking industry abay, super bagal naman ang serbisyo ng International Container Terminal Services Inc. at Asian Terminal Inc sa pagkakarga at pagdidiskarga ng mga container van.
Idagdag pa ang super higpit na pinaiiral ni Deputy Commissioner for Intelleigence Group Jessie Dellosa sa mga kargamento, ngunit maganda itong ipinaiiral ni Dellosa dahil marami pa rin sa mga brokers diyan sa Port of Manila ang gumagawa ng smuggling activities at under value declaration na nagpapababa ng tax collection. Subalit mukhang may kinikilingan si Dellosa dahil may pumuputok na alingasngas diyan sa kanyang opisina na nagngangalang J.R. Tolentino ang nakapaglabas ng mga kargamento na illegal sa bakuran ng Philippene Port Authority. Mga kahina-hinala umano ang ginagamit nitong pangalan na consignee sa paglalabas ng kargamento. At bilang patunay nais na paimbestigahan ng mga legal brokers itong Yodesan Gen. Merchandized na dating gamit ni Tolentino. At sa kasalukuyan EMYC Marketing na ang broker ay si Emmanuel Tolentino. Matindi daw ito sa opsina ni Dellosa dahil kahit na naka-alert status ang kargamento ay nailalabas ito ni Tolentino. Abangan!