^

PSN Opinyon

Ang maghapong paggawa ay malaking biyaya

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

MULI tayong inaanyayahan ni Isaias upang hanapin at tawagan ang Panginoon at talikdan natin ang kasamaan. Magbago sa maling isipan upang tayo ay kahabagan at bigyan ng kapatawaran. “Ang aking isipa’y di ninyo isipan at magkaiba ang ating daan.”  Kailanman ay di tayo pababayaan ng Diyos sapagka’t Siya ay tapat at totoo sa mga dumadalangin. Dito natin iugnay ang sabi ni Pablo na naisin nating mabuhay na nagbibigay karangalan kay Hesus bilang paghahanda sa ating panibagong buhay, matapos ang kamatayan. Maraming pagsubok sa mundo. Tayo’y nagkakamali at nagkakasala kaya patuloy tayong humingi ng kapatawaran at pagsikapan nating mamuhay ayon sa Mabuting Balita ni Hesus.

Malaking awa ng Diyos, inaanyayahan Niya tayo tu­wina na magtrabaho o maghanap ng ating ikabubuhay. Kailanman ay hindi tayo dapat pabayaan ng mga nagpapasahod sa ating mga pinagtrabahuhan sapagka’t ang Diyos ang magsusulit sa kanila ayon sa kanilang pakikitungo sa mga manggagawa. Ang talinghaga sa ebanghelyo ay dapat ipagkaloob sa manggagawa ang karampatang sahod. Hindi tayo pinababayaan ng Diyos sa maghapong marangal at mabuting gawa. Ang mabuhay tayo sa ating maghapong paggawa ay napakalaking biyaya. Huwag nating kainggitan ang sinuman ayon sa kanilang kinikita. Ang mahalaga ay binibigyan tayo ng pang araw-araw na ikabubuhay.  Huwag tayong maging tamad at ipagpatuloy natin ang pagsisikap at kasipagan. Huwag tayong umasa sa iba. Sabayan natin ang pagsikat ng haring araw sa umaga sapagka’t laganap ang biyaya ng Diyos sa atin.

Mula sa El Centro, California patungong Arizona (via I-80) ay meron akong nadadaanang disyerto na kung summer ay mapapansin na umaga pa lang ay gising na ang mga cobra at nakaharap sa silangan upang kunin ang init ng kanilang kamandag sa sikat ng araw. Pag winter naman ay nagtatago sila sa lupa kaya wala silang kamandag.

Kaakibat sa ating mga Pilipino ang katamaran. Tingnan natin ang kapaligiran at marami pang lupa ang nakatiwangwang. Nakakainggit ang Japan na sa bawat puwang ng kanilang lupa ay may tanim na halaman. Hindi nila sinasayang ang maliit na lupa  kaya naman pinagpapala sila ng Diyos.

Isaias 55:6-9; Salmo 144; Filipos 1:20k-24,27a at Mateo 20:1-16a

* * *

Happy Birthday kina Rommel Sincio, SD Ca at Gerry Tumbali.

DIYOS

EL CENTRO

GERRY TUMBALI

HAPPY BIRTHDAY

HESUS

HUWAG

ISAIAS

KAILANMAN

TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with