^

PSN Opinyon

‘Building delicti’

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

SA krimen na murder, importante na mayroong corpus delicti o body of the crime, otherwise hindi maaaring mag-convict ng isang akusado ng murder kung wala namang nakikita ang mga kinauukulan na katawan ng tao ng pinatay.

Sa akusasyon na overpricing ng 11 storey building sa Makati laban kay Vice President Jojo Binay, lumalabas na may “building delicti”. Kaya paano ipaliliwanag ni Binay na wala siyang kinita bilang kickback sa building na iyan. Masyadong “concrete” as in concrete building ang evidence laban sa kanya at kanyang dayunyor na mayor ng Makati.

Sa krimeng murder, ang ginagawa ng ibang murderer ay sinusunog o tinatago nang husto ang katawan ng pinatay. Puwedeng sunugin ni Binay ang “building delicti” pero imposibleng itago niya ito.

Kung ako kay Binay, mag-resign na lang siya bilang Vice President at tigilan na ang paglalaway sa position ng President. He reminds me of a line from the song The Impossible Dream… to reach the unreachable star, etc. or para kay Binay, to deny the undeniable, to defend the indefensible.

Tungkol naman sa mga cake na diumano’y overpriced din na pinamimigay ng mga Binay sa mga senior citizens tuwing birthday nila, ang itawag natin sa cake ay kung hindi “cakeback” ay “cake delicious” siguro o “cake delicti”.

Mukhang totoo ang kasabihan na birds of the same feather flock together. Magsasama kaya sina VP Binay, Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa Camp Crame? Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

ABANGAN

BINAY

BONG REVILLA

CAMP CRAME

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

MAKATI

VICE PRESIDENT

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with